PAANDAR 2014: Top 10 Kontrabidas you love to hate or you just really hate
Balewala ang isang bida kung wala ang kontrabidang susubok sa kanyang pagkatao at magpapahirap sa kanya sa pagtakbo ng kwento. Dahil sa kanila mas minamahal natin ang mga bida na sinasabayan natin sa kanilang bawat pag-iyak at tagumpay. Aminin man natin o hindi sobra tayong nangingitngit sa kanila mula sa hitsura nila hanggang sa pananalita nila na grabe makahamak ng ating mga bida.

Bilang pagpupugay sa kanilang katapangan na harapin ang galit na galit na manonood ay narito ang top 10 kontrabidas na we love to hate or we just really hate ngayong 2014 sa mga sinubaybayan nating teleserye sa ABS-CBN:

10. Iris Robles (Mika dela Cruz), Mirabella – Para kay Iris ang buhay ay kailangan perfect at naa-ayon sa gusto niya dahil ganun siya pinalaki ng nanay at lola niya. Kaya noong nakita niya si Mira na may kakaibang anyo ay naging sentro ng atensyon niya ito hindi para kaawaan kundi para hamakin at pagtawanan. Hanggang dumating si Bella na nagbigay ng challenge sa buhay niya. Kailangan niya itong kalabanin para manaig siya at maprotektahan ang ego niya. Pero sa huli, ang mga ginawa niya kay Mira ay bumalik sa kanya at sa inang may ginawang masama sa pamilya ni Mira noon.



9. Elena "Ena" Villamayor-Montilla (ZsaZsa Padilla) Mars Ravelo’s Dyesebel – Selos at inggit ang naging daan para kay Ena na kalabanin si Lucia at idamay ang anak nitong si Dyesebel. Hindi siya pinagkatiwalaan ng sariling ina pagkatapos nitong mahuli na winawaldas ang pera ng resort.



8. Sylvia Samson-Lorenzo (Agot Isidro), Bagito – Kailangan niyang protektahan ang pangalan at ang eskwelahan na pinamamahalaan niya. Kaya pati pagkakaibigan ng anak niya at si Drew ay kailangan niyang putulin. Para sa kanya ang pagiging ama ni Drew sa maagang edad ay isang pagkakamali at ayaw niyang madamay ang sinuman sa pamilya niya dito lalo na ang anak niyang dalaga.



7. Sasha Syquia-Salvador (Maricar Reyes), Sana Bukas Pa Ang Kahapon – Kung ano ang meron si Rose ay dapat mapunta sa kanya. Ganito si Sasha na umasam ng kapangyarihan at kayamanan kaya dahil ang lalaking mahal ni Rose ay kailangan niyang agawin. Pansamantalang nawala si Rose dahil akala nila ay patay na ito. Sa pagbalik ni Rose bilang Emanuelle ay mas tumindi ang galit ni Sasha dahil mas kaya nitong tumapat sa kanya mula sa hitsura at sa impluwensya sa kumpanya.



6. Hugo Layer (Joel Torre), Honesto – Dahil sa kasakiman nagawang talikuran ni Hugo ang sariling anak at paikutin ang pamilya niya sa isang kasinungalingan. Ginamit niya ang kayamanang ninakaw niya para baguhin ang buhay nilang mag-anak. Pero sa huli, ang kasakiman din ang sumira sa kanya sa relasyon niya sa mga mahal niya sa buhay at mga inaakala niyang kaibigan niya.



CLICK HERE FOR PAGE 2

WE RECOMMEND