Sasabak muli sa isang nakakaantig na episode ng “Maalaala Mo Kaya” ngayong Sabado (Hulyo 25) ang Kapamilya teen star na si Julia Barretto. Gagampanan ni Julia ang karakter ni Alyssa, isang bata na lumaki kasama ang kanyang tatlong lola na pawang mga matatandang dalaga. Sa kabila ng kanyang pagmamahal para sa mga ito, unti-unting sumama ang loob ni Alyssa sa kanyang mga lola at iniwan niya ang mga ito dahil sa sobrang paghihigpit sa kanya. Magagawa bang tiisin ni Alyssa na mapalayo sa mga taong nagpalaki at nagsakripisyo para sa kinabukasan niya?
Tampok din sa upcoming “MMK” episode ngayong Sabado sina Gloria Sevilla, Allyson McBride, Pinky Marquez, Nanette Inventor, Lara Quigaman, Eric Ocampo, at Ynna Asistio. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Garry Fernando at panulat ni Ruel Montañez. Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.
Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” ngayong Sabado, 8:30PM, pagkatapos ng “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like angFacebook.com/MMKOfficial. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKMyThreeLolas. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa
www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.