LOOK: Kapamilya Mermaids

Bago natin matunghayan ang kwento ni Se Hwa (Jeon Ji Hyun) na isang mystical creature noong unang panahon na na-reincarnate bilang si Sheena na isang sirena sa Legend Of The Blue Sea, balikan muna natin ang mga naging Kapamilya mermaids na sinubaybayan natin sa telebisyon.

Marina (February 23, 2004 to November 12, 2004)

Si Claudine Barretto ang unang sumisid sa karagatan bilang si Marina na siyang naging kauna-unahang Kapamilya mermaid. Pero hindi tulad ni Dyesebel, si Marina o Kristina sa kanyang mga magulang ay ipinangak na tao at walang dugong sirena. Pero dahil sa sumpang binigay ni Victoria dahil sa galit nito sa kanyang mga magulang, si Marina ay magiging isang sirena pagtungtong niya ng 7 years old.

Namuhay si Marina kasama ang ibang mga sirena sa pangangalaga ni Nanay Istah. Sa kagustuhan niyang maging tao uli ay humingi siya ng tulong kay Dugong, isang sea witch para maging tao. Tanging halik ng tunay na pag-ibig ang kailagan para mawasak ang sumpa ni Victoria kay Marina.

Mutya (January 31, 2011 to May 6, 2011)

Nasanay tayong dalaga ang mga sirenang umahon sa telebisyon at pelikula. At ito ang pinagkaiba ni Mutya. Bago naging si Abby sa Be Careful with My Heart si Mutya Orquia ay naging si Mutya muna siya, ang batang sirenang minahal, nagpaluha at nagpangit sa atin sa Primetime Bida. Bunga siya ng pagmamahalan ng isang taong ina at sirenong ama na prinsipe ng karagatan.

Nang makita ng lola niya ang magkadikit niyang dalawang paa ay ipinatapon siya nito sa isang katiwala na siyang nag-apon sa kanya at tinuring siyang anak. Hindi nagtagal ay naging ganap na sirena si Mutya at mas humigpit ang pag protekta ng kanyang amain at tumayong kapatid na si Aries para ilayo siya sa mga taong gustong kumuha sa kanya.

Nakatakas siya mula sa taong gustong kumuha sa kanya hanggang nakasama niya ang ibang sirena. Dahil anak siya ng isang dugong bughaw at susunod na tagapagmana ng kaharian ay ginto ang kanyang buntot. Sa huli nakasama niya ang kanyang ama at ang ina at naghari sila sa karagatan.

Dyosa (August 11, 2008 to January 16, 2009)

Bago siya naging si Dyesebel, naging isang Dyosa muna si Anne Curtis sa Primetime Bida. Isa sa mga karakter na ginampanan niya ay ang sirenang Dyosa Agua. Isa ito sa mga anyo ng pagiging isang takda o goddess. Hindi man ganun kahaba ang pagiging sirena niya sa teleseryeng ito ay hinanda na siya sa maaaring mas malaking role na pwede niyang gawin sa future at ito ang pagiging si Dyesebel niya.

Aryana (May 7, 2012 to January 25, 2013)

Bukod kay Mutya na isang batang sirena ay ipinakilala naman ng ABS-CBN si Aryana ang teen mermaid sa Primetime Bida. Tulad ni Marina, sinumpa si Aryana na maging sirena dahil sa kasalanang ginawa ng tao sa karagatan kung saan naging biktima ang anak ni Neptuna na siyang nagbigay ng sumpa sa kanya.

Kinuha siya ni Neptuna para maging anak niya. Pero ang bisa ng sumpa ay mangyayari lang kapag 14 years old na si Aryana at kapag pinili niyang makasama ang mga sirena kaysa sa mundo ng mga tao.Kaya binalik niya ito sa kanyang ina na si Ofelia. Naging ganap na sirena si Aryana sa edad na 14 at kailangan siyang itago ng kanyang ina mula sa mapaghusgang mata ng tao. Hinabol siya ni Neptuna dahil sa kanilang usapan hanggang napasakanya si Aryana at ang tanging paraan para maging tao siya ay kung mapapasakanya ang perlas.

Sa huli ay nagtulungan sina Ofelia at Neptuna para ipagtanggol si Aryana laban sa gusting manakit sa kanya.

Dyesebel (March 17 to July 18, 2014)

Sa pagbabalik ng pinakamamahal na sirena ng mga Pinoy sa Primetime Bida, isang kakaibang kwento ng pag-ibig at pangarap ang napanood sa Dyesebel na pinagbidahan ni Anne Curtis. Sa bawat pagsisid niya ay nakita natin ang kagandahan ng karagatan kasama ang mga karakter at nilalang na naging kaibigan niya at naging bahagi ng kanyang buhay.

Halaw sa obra maestra ng Hari ng Pinoy Komiks na si Mars Ravelo, ang Dyesebel ng ABS-CBN ay sesentro sa kwento ng dalagang ipinanganak na sirena na si Dyesebel (Anne), ang bunga ng pagmamahalan ng babaeng si Lucia (Dawn Zulueta) at ng sireno na si Prinsipe Tino (Albert Martinez).

Matapos lumaki sa mundo ng mga sirena, isang malaking hamon ang hinarap ni Dyesebel sa pagtuklas niya sa daigdig ng kanyang tunay na ina—ang mundo ng mga tao.

Bahagi rin ng powerhouse cast ng TV adaptation ng obra ni Mars Ravelo sina Gerald Anderson, Sam Milby, Gabby Concepcion, ZsaZsa Padilla, Gina Pareño, at AiAi delas Alas.

Huwag palalampasin ang premiere ng “Legend of the Blue Sea” pagkatapos ng “The Better Half,” ngayong Lunes (May8) sa first and true home of Asianovelas, ang ABS-CBN.

WE RECOMMEND

LOOK: Kapamilya Mermaids  

ALBUM

LOOK: Kapamilya Mermaids

Mermaids-1

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

Mermaids-1

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

LOOK: Kapamilya Mermaids  

ALBUM

LOOK: Kapamilya Mermaids

Mermaids-2

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

Mermaids-2

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

LOOK: Kapamilya Mermaids  

ALBUM

LOOK: Kapamilya Mermaids

Mermaids-3

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

Mermaids-3

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

LOOK: Kapamilya Mermaids  

ALBUM

LOOK: Kapamilya Mermaids

Mermaids-4

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

Mermaids-4

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

LOOK: Kapamilya Mermaids  

ALBUM

LOOK: Kapamilya Mermaids

Mermaids-5

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

Mermaids-5

Never miss out on trending on- and off-cam photos of Kapamilya shows and celebrities.

ABS-CBN.com May 04, 2017 04:34 PM

Mermaids-1
Mermaids-2
Mermaids-3
Mermaids-4
Mermaids-5