skinning-image
10 Hindi malilimutang linya sa pelikula galing sa nag-iisang Fernando Poe Jr.

Sa mahigit apatnapung taon niyang pamamayagpag bilang isang premyadong aktor at dalubhasang direktor, ating nasilayan ang hindi matatawarang dedikasyon ni Fernando Poe Jr. pagdating sa paglikha ng pelikula. Dahil sa lubos niyang pagmamahal sa nakagisnang larangan, kamangha-manghang nakagawa siya ng humigit-kumulang 300 pelikula na halos lahat ay tumabo sa takilya at nakapagkamit ng iba’t ibang parangal at pagkilala mula sa iba’t ibang gawad pangpelikula.

Kaya naman sa paggunita natin ng ika-81 anibersaryo ng kanyang kapanganakan nitong Agosto 20, hindi lamang natin basta babalikan ang ilan sa kanyang hindi malilimutang obra na pawing puno ng aksyon at aral sa buhay, kundi atin ding aalahanin ang ilan sa mga “iconic” na linya ng mga ginampanan niyang karakter na hanggang sa kasalukuyan ay nakatatak pa rin sa ating puso’t isipan at pilit ding ginagaya.

Hindi Pa Tapos ang Laban (1994)

Sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero gusto kong malaman mo na huwag ka munang magpaikot. Hindi pa tapos ang laban!

Marinig pa lamang natin ang pahayag na ito, masasabi na nating hindi basta-bastang kalaban ang ating bidang si Carding Villamar (FPJ). 

Sa pelikulang ito, nakita natin kung paano niya sinupil ang tiwali at mapang-abuso sa kapangyarihan na kongresista (Johnny Delgado) ng kanilang bayan na siya ring pumatay sa kanyang kapatid matapos na hindi ito pumayag na ipagbili ang kanyang mga ari-arian. 

Batas Sa Aking Kamay (1987)

“'Di ako kumakain ng bigas, Major. Sinasaing ko muna para maging kanin!

Ito ang kanyang hindi malilimutang tugon matapos sabihan ng karakter ni Eddie Garcia na “Marami ka pang kakaining bigas” nang minsang mag-krus ang kanilang landas. 

Iyo Ang Tondo, Kanya ang Cavite (1986)

Kung sa Cavite ‘di ka nagsisimba, dito sa Tondo magsisimba ka nang may bulak sa ilong.

Sa isang pambihirang pagkakataon ay nagkasama sa isang proyekto si Da King at kapwa batikang aktor na si Ramon Revilla Sr. Dito ay gumanap sila bilang dalawang “modern-day heroes” ng kanya-kanyang bayan – si FPJ para sa Tondo, Maynila habang si Ramon naman ay para sa Cavite. Kahit na parehas ang kanilang hangarin sa buhay at para sa kanilang kapwa, hindi naiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan nilang dalawa nang sila’y nagtagpo, na nagbunsod sa madugong sagupaan.

Kapag Puno na Ang Salop (1989)

Puno na ang salop. Dapat ka nang kalusin.

Hindi katulad ng ibang linyang kanyang binitawan na madaling maunawaan, ito ay matalinghaga. Ang linyang ito na kanyang sinambit sa kanyang kalaban (Eddie Garcia) ay mula sa unang yugto ng trilogy nito noong 1989.

Isang Bala Ka Lang (1983)

“'Wag mong sabihing malakas ka! 'Wag mong sabihing marami kang tauhan! At 'wag mo ring sabihing marami kang salapi… pare-pareho lang tayo… isang bala ka lang!

Sa pelikulang ito, muling bumida si FPJ bilang isang pulis. Subali’t sa pagkakataong ito, siya ay napiit ng 12 taon matapos ipaghiganti ang kamatayan ng kanyang minamahal na asawa. Sa kanyang paglaya, hangad niyang manumbalik ang normal at tahimik niyang buhay kasama ang kanilang unica hija na si Angela (Julie Vega), nguni’t hindi pa rin niya nakamit ito dahil sa patuloy na paglaganap ng krimen sa paligid.

Umpisahan mo...Tatapusin ko! (1983)

Umpisahan mo, tatapusin ko.

Pamagat pa lang, alam na nating matinding aksyon at tunggalian na naman ang nag-aabang sa sino mang manonood ng obrang ito. At hindi tayo binigo ni FPJ dahil sa huling bahagi nito ay pinamangha niya tayo sa kakayahan ng kanyang karakter na makipagbakbakan nang mag-isa sa isang silid na puno ng kalaban. Bukod sa kanyang mahusay na pagganap at galing sa pakikipagbakbakan nang mag-isa laban sa napakaraming kalaban kapuri-puri rin ang pag-direk ni FPJ nito.

Kahit Konting Pagtingin (1990)

[“Ang problema sa ‘yo, maaga kang ipinanganak.”] "Ang problema naman sa ‘yo, huli kang ipinanganak.

Kaiba sa mga pelikulang nasa listahang ito, pinakilig tayo ni Da King sa kanyang pakikipagtambal kay Megastar Sharon Cuneta. Dito ay gumanap siya bilang isang magiting na drayber at bodyguard para sa sikat na artistang karakter naman ni Sharon. 

Ako ang Huhusga (1989)

Kung kayo lang ang magiging kaibigan ko, bibili na lang ako ng aso.

Marami sa atin ang pihadong sang-ayon sa lintanya niyang ito, lalo na yaong may “trust issues” sa bawat taong kanilang makakasalamuha, maging sa mga taong malapit sa kanila. Kaya naman hindi maipagkakaila na marami na sa atin ang mas pipiliin pang makasama ang walang imik at cute na aso kaysa sa taong ‘di natin tiyak kung dapat nga bang pagkatiwalaan,

Santiago (1970)

Hindi ako tumakas...tumalikod ako sa isang pakikipaglaban na walang katuturan - isang digmaan na walang ibang biktima kundi mga taong walang malay.

Sa pelikulang ito, natunghayan natin ang kanyang pagganap bilang isang guerilla noong panahon ng mga Hapon. Sinabi niya ang linyang ito sa karakter ng batikang aktres na si Boots Anson-Roa matapos na kanyang bombahin ang isang eskwelahan na lingid sa kanyang kaalaman ay puno ng mga kababaihan at kabataan. Bukod sa literal na kahulugan nito, tila isa rin itong paalaa sa atin ng kasabihang “choose your battles”.

Ako ang Huhusga (1989)

Buhay ang inutang, buhay din ang kabayaran.

Pihado, napatingin ka uli sa linyang ito. Hitik ang pelikulang ito sa maraming kasabihan kaya naman kumuha pa kami ng isa pang linya na paniguradong tumatak at patuloy pa rin nating naririnig ‘di lamang sa pelikula o telebisyon, kundi maging sa tunay na buhay.

Marami man ang gumagaya sa kanyang istilo ng pagkilos, pananamit, at pananalita, nag-iisa pa rin talaga si Da King.

10 Hindi malilimutang linya sa pelikula galing sa nag-iisang Fernando Poe Jr.  

ALBUM

Mga linya ni FPJ sa pelikula na tumatak sa kaisipan ng mga Pilipino

August 21, 2020 06:16 PM