Matapos ang mahigit isang taon ay nagbabalik sa TV Patrol nitong Huwebes (October 10) si Cristine Reyes bilang tagapaghatid ng mga balitang showbiz.
WATCH: Ang pagbabalik ni Cristine Reyes bilang Star Patroller
Pansamantalang humalili si Cristine kay Gretchen Fullido at muling sumabak sa papel na Star Patroller, na una niyang ginampanan noong Setyembre 2018.
BEHIND-THE-SCENES: Cristine Reyes on Star Patrol 2018
Inimbitahan ni Cristine, na gumaganap bilang Katrina sa Nang Ngumiti Ang Langit, ang manonood na pakatutukan ang huling linggo ng hit teleserye sa ABS-CBN.
Panoorin ang behind-the-scenes footage ni Cristine sa Star Patrol.