Unang teleserye ng DonBelle, mapapanood sa Netflix at iWantTFC in advance

Hindi na rin ba libreng magmahal?

Saksihan ang isang napapanahong kwento tungkol sa konsepto ng pagmahahal ng henerasyon ngayon  na pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa "Can't Buy Me Love."  Unang mapapanood ito sa Netflix at iWantTFC ilang araw bago ito ipalalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5 sa Oktubre 16. 

Ito ang ikalawang teleserye ng partnership ng ABS-CBN at Netflix. 

Mapapanood ang “Can’t Buy Me Love” sa Netflix sa Oktubre 13 o 72 oras bago ito umere sa telebisyon.  Mapapanood din ang DonBelle series sa iWantTFC app o sa iwanttfc.com sa Oktubre 14 o 48 oras bago ang TV premiere nito.

Cant Buy Me Love

Mas palilitawin naman ni Direk Mae Cruz Alviar, ang direktor ng hit series na “2 Good 2 Be True," ang chemistry at kilig ng DonBelle sa kanilang unang pagsasamahang teleserye.

Iikot nga storya kina Bingo (Donny), isang binatang nagsisikap mag-ipon ng pera nang iwanan siya ng kanyang ina, at Caroline, isang laki sa yaman na Filipino Chinese na itinuturing na black sheep ng kanyang pamilya. Pagtatagpuin ang dalawa nang sagipin ni Bingo ang dalaga mula sa mga nagtangkang kumidnap sa kanya. 

Makakasama nina Donny at Belle sa serye ang mga batikang aktres at actor na sina Nova Villa, Celeste Legaspi, Agot Isidro, Rowell Santiago at Ruffa Gutierrez.

Cant Buy Me Love

Kabilang din sa cast sina Maris Racal, Albie Casiño, Kaila Estrada, Joao Constancia, Karina Bautista, Vivoree, at Darren.

Cant Buy Me Love

Panoorin ang unang serye ng New Gen Phenomenal Loveteam na DonBelle sa darating na Oktubre 13 (Biyernes) o 72 oras bago ito umere sa TV sa Netflix at sa Oktubre 14 (Sabado) o 48 oras bago ang TV premiere nito sa iWantTFC app (iOs and Android) o iwanttfc.com at mapapanuod ang broadcast premiere nito sa Oktubre 16 (Lunes) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, Jeepney TV, TFC IPTV, at TV5.