Throwback Thursday: Top 5 Unforgettable Movie Characters of Bea Alonzo
Minahal natin si Bea Alonzo sa mga teleseryeng kanyang pinagbidahan sa Kapamilya Network - bilang ang ulilang si Cielo sa It Might Be You, ang palaban na si Jackie sa Maging Sino Ka Man, si Betty sa I Love Betty La Fea, si Gelai sa Magkaribal, si Reign sa Guns and Roses at Gen sa A Beautiful Affair.

Pero bukod sa telebisyon ay nakilala rin si Bea sa mahusay niyang pagganap sa pelikula kaya itinanghal siyang “This Generation's Movie Queen” Balikan natin ang mga hindi malilimutang karakter na ginampanan ni Bea sa Star Cinema movies

TOP 5: Dianne Alvero (Sa 'yo Lamang, 2010)

Healing of a broken soul- ito ang tema ng Sa 'yo Lamang kung saan punong-puno ang puso ni Dianne ng sama ng loob sa kanyang ama na iniwan sila noon para sumama sa ibang bababe. At noong bumalik ang kanyang ama sa kanila, ginawa ni Dianne ang lahat para mawala siya sa kanilang buhay. Pero sa bawat pagkakataong nagagawa niyang paalisin ang ama ay siyang pagdating ng mga rebelasyon sa buhay nila na hinamon ang relasyon nila bilang pamilya. Hanggang sa huli pagpapatawad at pagmamahal ang naging sagot para maghilom ang sugat sa kanilang puso at pagkatao.

TOP 4: Cat Aguinaldo (She's the One, 2013)

Love can wait- ito ang inikutan ng kwentong pag-ibig ni Cat na nagmahal sa kanyang bestfriend na si Wacky (Dingdong Dantes) na isang TV anchor. Sobra siyang umasa na iibigin siya ng kaibigan ngunit napagtanto niyang wala itong kahahantungan. Nabaling ang pagtingin niya sa teenager na si David (Enrique Gil) na gumawa ng paraan para hanapin siya. Naging kumplikado lang ang lahat noong nahulog na rin si Wacky sa kanya. Kailangan piliin ni Cat si Wacky at pakawalan si David na may kaibigan ding nagmamahal sa kanya. Sa huli dumating ang tamang oras na hinihintay ni Cat para sa kanila ni Wacky.

TOP 3: Bobbie Salazar (Four Sisters and a Wedding, 2013)

Ginampanan ni Bea ang role ni Bobbie na nagsakripisyo sa ibang bansa para matulungan ang kanyang ina at 4 pang kapatid. Ang mga sikretong tinatago nilang magkakapatid ay isat isa ay naglabasan nang subukan nilang pigilan ang kasal ng bunsong kapatid. Ipinakita ni Bea ang galing niya sa pag-arte sa mga eksena nila ni Alex (Angel Locsin).  Sa huli ay tinanggap nila ang bawat isa at nanatili silang buo at nagmamahalan.

TOP 2: Sari Alfonso (The Mistress, 2012)

Two greatest forms of love are forgiveness and acceptance- ito ang dalawang uri ng pagmamahal na naramdaman ni Sari noong hinamon ang pagkatao niya ng tadhana. Hindi madali maging isang mistress lalo na’t may pamilya siyang sinusuportahan. Matagal din siyang nabuhay bilang kabit ni Rico (Ronaldo Valdez) hanggang dumating ang anak nitong si JD (John Lloyd Cruz) na sa una ay paghihiganti ang balak nitong gawin sa kanya. Dumating ang puntong naramdaman ni JD na mahal din niya si Sari at handa siyang tanggapin kung ano man ang naging relasyon nito sa ama niya. Dahil kay Sari nagbago ang pananaw natin sa Thursday na kung saan ito ang naging araw ng pagkikita nila ni Rico at sa huli ang araw na bibigyan nila ni JD ng pagkakataon ang pag-ibig.

TOP 1: Basha Eugenio (One More Chance, 2007)

Second chance can make love sweetier- ito ang natutunan natin sa kwento ni Basha noong binigyan niya ng pangalawang pagkakataon si Popoy (John Lloyd). Dahil noong una ay nasakal sila sa relasyon nilang kontrolado ang kilos ng bawat isa,  kinailangan nilang i-let go ang lahat ng mayroon sila. Pero si Basha ay nanatiling totoo sa nararamdaman niya at hindi naghanap ng iba habang si Popoy ay nagkaroon ng pag-ibig sa iba. At sa huli ang forever na saksi ang field ng eskwelahan nila ay nagpatuloy sa isang ngiti na nagsasabing okay pang bigyan ng one more chance ang kanilang pagmamahalan.

Iyan ang top 5 unforgettable movie characters ni Bea Alonzo na nagpaluha at nagpakilig sa atin dahil na rin sa napakagandang kwento at pagganap niya. At ngayong June ay salubungin natin ang panibagong characters na ipapakilala sa atin ni Bea sa Primetime Bida na sina Rose at Emmanuelle sa Sana Bukas Pa Ang Kahapon.

WE RECOMMEND