Throwback: Mga memorable movie and TV shows na pinagbidahan nina Jolina Magdangal and Marvin Agustin PART 2
4. Labs Ko Si Babe (1999) – Ito ang huling teleserye nina Jolina at Marvin kaya sinigurado nila na punong-puno ito ng kilig at katatawanan kasama ng cute na cute na alaga nilang baboy. Bilang sina Cindy at Wally na may pagka-sitcom ang tema nito sa oras nga mga teleserye sa Primetime Bida pa noon ng ABS-CBN.

Image Source: http://tv.famousfix.com/tpx_1003325/labs-ko-si-babes/poster


5. Labs Kita... Okey Ka Lang (1998) – Ang ultimate team-up nina Jolina at Marvin ay ang movie na ito kung saan ginampanan nila sina Budjoy at Ned. Kung tinamaan tayo sa linya nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa ‘Paano na Kaya’ na “Syinota mo ang bestfriend mo”; nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa ‘One More Chance’ na, “Sana ako na lang”, sa ‘Labs Kita... Okey Ka Lang’ ay sukdulan ang mga emosyon natin nang sabihin ni Bujoy:

 

“Oh yes! Kaibigan mo ako! Kaibigan mo lang ako. And that’s all I ever was to you, Ned - your best friend. Takbuhan mo pag may problema ka, taga-sunod, taga-bigay ng advice, taga- enroll, taga-gawa ng assignment, nagpapatawa sa ‘yo pag nalulungkot ka… taga-tanggap ng kahit na ano. And I’m so stupid to make the biggest mistake of falling in love with my best friend. Dahil kahit kailan, hindi mo naman ako makikita e. Kahit kailan hindi mo ako kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan.”

Ang love team nina Jolina at Marvin ay umaapaw sa kilig at tagos sa puso rin ang pait kapag nagkakagalit ang mga characters nila. Ikaw kapamilya, ano ang favorite “MarJo” teleserye o movie mo? Share mo naman sa amin!

CLICK HERE FOR PAGE 1

WE RECOMMEND