Throwback: Mga memorable movie and TV shows na pinagbidahan nina Jolina Magdangal and Marvin Agustin
Malapit mo nang mapanood uli sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa teleseryeng ‘Flordeliza’. Siguradong excited na ang lahat na muli natin silang makikitang magkasama mula noong pansamantalangnilisan ang ABS-CBN. Sa pagbabalik nila, sariwain natin ang mga nakakakilig na eksena mula sa mga projects nila sa TV at pelikula na tinutukan natin ng mga “MarJo” fans. Ito ang nakakakilig at nakaka-in love na top 5 projects nila:

1. Gimik (1996) – Dito nagsimula ang mala-aso’t pusa nilang relasyon hanggang sa magkaroon ng special na pagkakaibigan sina SC o Socorro Corazon at Joey. Mahigit tatlong taon natin ito sinubaybayan at ang loveteam nila ang isa sa mga kinakiligan tuwing Sabado ng hapon.

Image Source: http://en.wikipedia.org/wiki/Gimik


2. Esperanza (1997) – Hindi lead stars sina Karen at Danilo, pero bukod sa character na ginampanan nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman, tinutukan din sina Jolina at Marvin dito. Sila ang nagbibigay-saya pag nag-umpisa na ang mga seryosong eksena. Ang tawag nga ng iba stress-reliever dahil sa mga away-bati nilang eksenang siguradong mapapatawa ka sa mga batuhan nila ng mga linya na minsan kinikilig ka na ng hindi mo alam.

 

Image Source: http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=495677&page=14


3. Kung Ayaw Mo, Huwag Mo (1998) – Kung ang character nina Maricel Soriano at Wiliam Martinez dito ay away-bati pero kilig, ganun din sina Jolina at Marvin bilang sina Ditas at Nicco. Tinagurian silang susunod sa yapak nina Maricel at William pagdating sa mga eksenang nakakakilig at kasama na rin ang tensiyon na may halong lambing.


CLICK HERE FOR PAGE 2

WE RECOMMEND