Wildcard finalist Agravante Family is grand champion in 'Showtime's' Bida Kapamilya Round 2
Para sa mahusay at nakakaaliw na pagsasadula ng kasaysayan gamit ang kanilang sari-saring talento, itinanghal na grand champion ang Agravante family ng Sta. Cruz, Laguna para manalo ng P1 milyon sa “Bida Kapamilya Round 2: The Finals” ng Kapamilya noontime show na “It’s Showtime” noong Sabado (Mayo 11).

Sa tulong ng kanilang celebrity mentor na si Giselle Sanchez, isinalaysay ng Agravante family sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, at pag-arte ang pinagdaanan ng mga Pilipino noong panahon ng himagsikan at ang kanilang pakikipaglaban para sa kalayaan laban sa mga banyaga. Nakuha ng winning family ang pinakamataas na average na score na 9.8 mula sa mga hurado laban sa pito pang grand finalists, kahit pa nagkaroon lang ito ng isang araw para bumuo at praktisin ang panibagong performance matapos tanghaling wildcard winner noong Huwebes. Sobrang bumilib ang host at huradong si Vice Ganda sa performance ng Agravante family at nagsabing, “Kaya ko sobrang gusto ang ginawa ninyo, pinagsama-sama niyo ang halos lahat ng napanood ko sa mga pamilya kanina. May kumanta, may sumayaw, may nag-stunt, may nag-rap. Lahat ‘yun nakaya niyo at naipakita ninyo sa amin nang mahusay.”

Samantala, abangan naman ang pagsisimula ang bagong pa-contest ng “It’s Showtime” ngayong summer na “Bida Kids” para sa para sa mga chikiting na edad tatlo hanggang 12. Manatiling manood ng “It’s Showtime,” 12:30PM mula Lunes hanggang Biyernes at 12NN tuwing Sabado.


Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena.

WE RECOMMEND