Ultimate Throwback with the Child Wonder Niño Muhlach


Photo credit to oninmuhlach IG

Bago nagkaroon ng Aiza Seguerra, Matet de Leon, Angelica Panganiban at Judy Ann Santos na nag-umpisa bilang child stars ay may isang chubby at cute na cute na batang minahal ng ating mga mommies at lolas sa pelikula at television. Si Nino Muhlach ang tinaguriang Child Wonder noong panahon niya at nakatrabaho ang mga bigating pangalan sa entertainment industry. Kung natuwa kayo sa performance niya kasama ang kanyang anak sa It’s Showtime last Saturday sa MiniMe grand finals mas matutuwa kayo sa Top 3 ultimate throwback natin sa kanya:

Ang Leon At Ang Daga (1975)


Photo credit to fpj-daking.blogspot.com

Ang kwento ng pagkakaibigan sa pagitan ng isang batang anak ng mayaman na si Pongkoy at Si Berting na isang snatcher na ginampanan ni King of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr. Naging taga-pagligtas ni Pongkoy ang snatcher at naging mabuti silang magkaibigan. Sa paningin ng iba ay oportunista si Berting pero para kay Pongkoy isang kaibigang handang ibuwis ang buhay para sa kanya ang snatcher. Ito ang unang pelikula ni Nino.


Ang Tatay kong Nanay (1978)


Photo credit to mypicsandmovies.blogspot.com

Nakasama ni Niño ang Comedy King na si Dolphy sa family comedy drama na pelikulang ito sa direksyon ng iconic director na si Lino Brocka. Ang kwento ay lumaki si Nonoy (Niño) sa pangangalaga ni Coring (Dolphy) na may ari ng isang parlor. Iniuwi si Nonoy ng ama nitong si Dennis (Phillip Salvador) kina Coring na sanggol matapos nitong mabuntis ang babaeng kinakasama niya. Inalagaan ni Coring si Nonoy bilang kanyang totoong ana. Siya ang tumayong ina at ama sa bata at nanatiling matatag sa kabila ng pagpuna ng lipunan. Hanggang dumating ang totoong pamilya ni Nonoy para kunin siya pero ipinaglaban siya ni Coring.

Darna at Ding (1980)

Photo credit to diedangerdiediekill.blogspot.com

Nakasama ni Nino sa pelikulang ito ang isang dating child star, ang aktres na si Vilma Santos. Ginampanan ni Nino ang papel ni Ding, kapatid ni Narda at sidekick ng superhero na si Darna. Nagsimula ang kwento ng pelikula kung paano nagkaroon ng powers si Narda at kung paano niya tinalo ang ilang masasamang loob tulad ni Hawk Woman at isang higante.

Ikaw ano ang favorite movie mo ni Niño Muhlach? Share mo sa amin Kapamilya!

WE RECOMMEND