Top 6 Teleserye roles of Kathryn Bernardo
Naging saksi tayo sa journey ni Kathryn Bernardo sa entertainment industry simula 2003. Una siyang lumabas bilang ang batang Cielo San Carlos sa It Might Be You at gumanap din siyang young Julie Vega sa isang Maalaala Mo Kaya episode. Nakitaan si Kathryn ng talento sa pag-arte hindi lang sa drama kundi pati na rin sa comedy. Kinagiliwan ang cute at makulit na batang Kathryn na sa kiddie gag show ng Goin Bulilit. Pagkatapos niyang gumanap bilang batang roles ng mga lead stars, pinalad siyang magkaroon ng teleserye na siya mismo ang bida.

At ngayon ang batang Kathryn noon ay isa nang ganap na dalaga. Bago ipalabas ang coverage ng kanyang debut party sa Sunday’s Best sa Linggo, April 6, balikan muna natin ang mga karakter na ginampanan ni Kathryn bago pa siya naging si Chichay sa Got To Believe.

Jenny Dizon, Endless Love (2010)

Ito ang tanging role na ginampanan ni Kathryn sa labas ng Kapamilya network. Siya ang gumanap na batang Marian Rivera sa Endless Love na isang Korean teleserye na ginawan ng Filipino version. Sa teleseryeng ito napalapit si Marian kay Kathryn at naging malapit silang magkaibigan at nagturingan bilang mag-ate. Isa sa bisita ni Kathryn sa kanyang debut party noong March 29 ang kanyang Ate Marian na personal na nagbigay ng birthday wish niya para sa Kapamilya Teen Queen
                                                                                 Photo credit to owner
Mikaella Dimalanta, Growing Up (2011)

Ideal daughter-  ito ang role na ginampanan ni Kathryn sa Growing Up. Pinakita niya bilang si Mikaella ang pinagdadaanan ng isang teenager na humaharap sa mga suliranin tulad ng peer pressure at problema sa bahay na kailangan niyang balansehin. Dumanas din siya ng bullying sa school dahil kay Patrick na ginagampanan ni Daniel Padilla.  Dito nagsimula ang tandem nila na parang aso’t pusa sa umpisa  ngunit sa huli ay naging mabuting magkaibigan naman sila.

Young Victoria Vallera, Magkaribal (2010)
Maikli man ang papel na ginampanan niya sa Magkaribal bilang si Anna Abella o ang batang Victoria Valera (Gretchen Barretto), naipakita ni Kathryn ang pagmamahal niya sa kanyang kapatid at ang paghanga kay Vera bilang isang fashion icon.

Mikay, Princess and I (2012)
Sa teleseryeng Princess and I naipakita ni Kathryn ang galing sa pag-arte nang gampanan niya ang isang prinsesang nawalay sa kanyang pamilya sa Bhutan. Sa Princess And I tuluyang nabuo ang love team nila ni Daniel Padilla at tinawag silang Teen King and Queen ng mga Kapamilya viewers.

Maya, Super Inggo (2005)

Bago si Daniel ay si Makisig Morales ang ka-love team ni Kathryn sa super-serye na Super Inggo. Pero kumpara sa mga nakasanayan nating simpleng mga karakter na ginampanan niya sa Primetime Bida, si Kathryn na bilang Maya ay isang maingay, makulit, at reklamadorang “babes” ni Budong. Marahil sa mga nakakaalala pa sa teleseryeng ito maraming nabibingi sa matinis na boses ni Kathryn kasama na rin sa mga reklamo niya at pagpapahirap kay Inggo pati na rin sa bestfriend nitong si Jomar (Jairus Aquino). Isa ito sa mga teleseryeng masayang balikan dahil minsan ay masasabi nating naging batang makulit din si Kathryn sa teleserye.
                                                     Photo credit to makrynfansclub.blogspot.com
Mara del Valle, Mara Clara (2010)
Nabigyan ng big break si Kathryn pati na rin ng kaibigan niyang si Julia Montes nang gampanan nila ang mga iconic characters sa Pinoy Soap Opera na sina Mara at Clara. Dito nakilala silang dalawa lalo na si Kathryn sa pagganap na Mara na ginampanan noon ng Queen of Teleserye na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Nagkasunod sunod na ang mga projects ni Kathryn hindi lamang sa telebisyon pati sa pelikula matapos ang Mara Clara.


Ngayong patuloy ang success ni Kathryn sa showbiz kasama ang kanyang ka-love team na si Daniel siguradong mas marami pang mga teleserye at movies offers na darating sa kanya.

WE RECOMMEND