5 years ago ay nakilala natin ang isang cute na batang nagngangalang Santino na ginampanan ni Zaijan Jaranilla sa teleseryeng punong puno ng inspirasyon, ang May Bukas Pa. Balikan natin ang top 5 na kwento na nagturo sa atin ng aral sa May Bukas Pa.
Pagmamahal sa Pamilya

Nakilala natin si Lolo Pilo (Dolphy) na piniling tumira sa Home for the Aged para hind imaging pabigat sa kanyang mga anak. Hiniling ni Moy bilang birthday wish niya na makasama uli ang kanyang Lolo Pilo. Pero dahil hindi pinayagan si Moy na siyang ikinatampo ng bata, siya na ang gumawa ng paraan para makasama ang kanyang lolo. Hindi ito naging madali para kina Santino lalo na kay Lolo Pilo na pinag-isipang may planong masama sa mga bata. Pero sa huli natupad ang pangrap ni Grace at ni Lolo Pilo na muling mabuo at mabalik ang pagmamahalan sa kanilang pamilya.
Pananampalataya at Pananalig

Sa pagtatapos ng May Bukas Pa ay nakilala natin si Paulo Peñaflor (Ryan Agoncillo) na isang journalist na bumisita sa Bagong Pag-asa para siyasatin ang himalang nagaganap sa lugar na iyon. Dahil sa pangangailangan sa trabaho kahit walang pananalig sa Diyos ay ginawa niya ang kontrobersyal na balitang ito mula sa pagkausap niya kay Rico at pakikipagkita kay Santino. Pero bago naging journalist si Paulo ay dati siyang misyonaryong tumalikod sa kanyang bokasyon dahil na rin sa isang trahedyang naranasan niya. Umaasa siyang may mangyayaring himala sa buhay niya pero walang dumating.
Bukas Palad sa Kapwa

Tulad ng ibang bata ay pmasok din si Santino sa paaralan at ito ay sa Bagong Pag-Asa Elementary School. Sa paaralang ito ay nakilala natin si Ms. Nieves Antazo (Susan Roses)
na binigay niya ang buong buhay niya sa pagtuturo sa mga bata. Pero dahil sa kakulangan sa budget ay isa siya sa mga gurong haharap sa forced retirement. Hiniling niya na huwag siyang tanggalin at hindi niya iniisip kung babayaran siya. Pinakita ni Ms. Nieves kung paano niya tinalikuran ang pansariling kasiyahan para tuluyang yakapin ang bokasyong ito at para maging parte ng buhay ng mga batang tinawag niyang mga anak din niya.
Acceptance

Isang dating artista si Adela San Jose (Rosanna Roces) na hindi natuloy ang kanyang parangap dahil maaga siyang nabuntis at ang naging bunga ay si Boy George (Ejay Falcon). Dahil dito ay nawalan siya ng career at naging isang G.R.O sa bar. Naging malupit siya sa kanyang anak dahil na rin iniisip niyang ito ang dahilan kaya hindi niya naabot ang kanyang pangarap. Pero sa kabila ng kanyang kalupitan ay patuloy pa rin siyang minamahal at iniintindi ng kanyang anak. Sa tulong ni Mario at Santino ay nagkaayos silang mag-ina at tinanggap nila ang kanilang kapalaran at magpatuloy ng maayos na buhay nang magkasama.
Love and Sacrifices

Lumaking punong puno ng poot sa puso si Julia (Claudine Barretto) matapos iwanan ng kanyang boyfriend na nakatakdang magpakasal sa kanya. Ang kadahilanan ay ang ina niyang tinamaan ng Alzheimer's disease. Hindi tanggap ng boyfriend ni Julia ang kanyang ina at iniisip ni Julia na ito’y pabigat sa kanyang buhay. Pero dahil kay Santino napawi ang sama ng loob sa kanyang ina at nabalik ang pagmamahal niya sa kanya.