Boy Abunda gives marriage advise to Angel and Vhong

Bago matuloy ang kasalang Angel Locsin (Isabel) at Vhong Navarro (Justin) sa sitcom na “Toda Max,” nararapat lang na maghanda sila sa bagong buhay bilang mag-asawa. Kaya naman sa darating na Sabado (Mayo 25), ang King of Talk na si Boy Abunda mismo ang magiging marriage counselor ng magkasintahan.

Magiging masinsinan ang counseling kung saan sasariwain ang makulit na love story nina Isabel at Justin. Mapag-uusapan din ang mala-aso’t pusang relasyon ni Justin sa kanyang soon-to-be biyenan na si ‘Tay Mac (Al Tantay).

Mauungkat pa ang mga pinagselosan ni Justin na sina Phil (Phil Younghusband), Dr. Milby (Sam Milby) at Dino (Anjo Yllana), pati na ang mga pinagselosan ni Isabel na sina Maimai (Kim Chiu), Jodie (Jodi Sta. Maria) at Weida (Ruffa Mae Quinto).

Maudlot kaya ang kasal nina Justin at Isabel dahil sa mga rebelasyong maisisiwalat sa counseling? Ano naman kaya ang maipapayo ni Boy sa magsing-irog? Abangan sa “Toda Max” ngayong Sabado (Mayo 25) pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya.”

WE RECOMMEND