Daughter stands up to over protective mother in 'Engkwentro'

Uusisain ni Karen Davila ang pag-aaway ng isang mag-ina kung saan umabot na ang pagiging bantay-sarado ng kinikilalang ilaw ng tahanan sa pananakit sa kanyang anak bukas (Mayo 28) sa “Pinoy True Stories: Engkwentro.”
Isang single mother si Jacquelyn kaya naman tutok siya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak, lalo na sa 15 taong gulang niyang bunso na si Veronica. Lingid sa kaalaman ni Jacquelyn ay naghahangad na si Veronica ng kaunting kalayaan mula sa kanya.

Sakal na sakal na raw si Veronica sa kanyang ina dahil bukod sa pagkulong nito sa kanya sa bahay, madalas din daw siyang pinagbubuhatan nito ng kamay. Sumiklab pa ang isang engkwentro sa pagitan ni Jacquelyn at ng kanyang kapitbahay na si Corazon dahil pinatuloy nito si Veronica sa kanyang bahay at ipinagtanggol ang dalaga laban sa kanyang ina.

Mabago pa kaya ni Jacquelyn ang paraan ng pagprotekta at pagdidisiplina sa kanyang bunso?
Samantala, tutulungan naman ng “Pinoy True Stories: Saklolo” sa episode nito ngayong Miyerkules (Mayo 29) ang isang mag-asawa na nahihirapang ipagamot ang kanilang dalawang anak na may epilepsy. 

Huwag palampasin ang “Pinoy True Stories: Engkwentro” kasama si Karen Davila bukas (Mayo 28) at ang “Pinoy True Stories: Saklolo” kasama sina Maan Macapagal at Dominic Almelor ngayong Miyerkules (Mayo 29), 4:45pm sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @PinoyTruStories sa Twitter.Uusisain ni Karen Davila ang pag-aaway ng isang mag-ina kung saan umabot na ang pagiging bantay-sarado ng kinikilalang ilaw ng tahanan sa pananakit sa kanyang anak bukas (Mayo 28) sa “Pinoy True Stories: Engkwentro.”
Isang single mother si Jacquelyn kaya naman tutok siya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak, lalo na sa 15 taong gulang niyang bunso na si Veronica. Lingid sa kaalaman ni Jacquelyn ay naghahangad na si Veronica ng kaunting kalayaan mula sa kanya.

Sakal na sakal na raw si Veronica sa kanyang ina dahil bukod sa pagkulong nito sa kanya sa bahay, madalas din daw siyang pinagbubuhatan nito ng kamay. Sumiklab pa ang isang engkwentro sa pagitan ni Jacquelyn at ng kanyang kapitbahay na si Corazon dahil pinatuloy nito si Veronica sa kanyang bahay at ipinagtanggol ang dalaga laban sa kanyang ina.

Mabago pa kaya ni Jacquelyn ang paraan ng pagprotekta at pagdidisiplina sa kanyang bunso?
Samantala, tutulungan naman ng “Pinoy True Stories: Saklolo” sa episode nito ngayong Miyerkules (Mayo 29) ang isang mag-asawa na nahihirapang ipagamot ang kanilang dalawang anak na may epilepsy. 

Huwag palampasin ang “Pinoy True Stories: Engkwentro” kasama si Karen Davila bukas (Mayo 28) at ang “Pinoy True Stories: Saklolo” kasama sina Maan Macapagal at Dominic Almelor ngayong Miyerkules (Mayo 29), 4:45pm sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa updates ng programa, sundan ang @PinoyTruStories sa Twitter.

WE RECOMMEND