Paglalakbay ng kaluluwa habang tulog, bubusisiin ni Atom sa mas pinahabang "Hiwaga"

Samahan si Atom Araullo sa pagtuklas ng katotohanan sa sa likod ng paglalakbay umano ng diwa ng tao o astral projection pati na rin ang iba pang kaganapan posibleng mangyari habang tayo ay mahimbing na natutulog sa mas pinatindi at mas pinahabang “Hiwaga” simula Biyernes (July 19) sa ABS-CBN.

Isa ang insomnia sa kadalasang problema sa pagtulog ng maraming tao kabilang na si Cecil na binabagabag ng sakit simula pa edad 9. Hindi lang ang insomnia ang problema niya dahil noong siya ay nagdadalang tao, nagsasalita rin siya habang tulog at naglalakad pa ng hindi niya namamalayan.

Iba naman ang kaso ni Armand na hindi katawan ang nag-sleepwalk kung hindi ang kanyang diwa o kaluluwa. Idedetalye niya kay Atom ang pinagdaraanan niya sa tuwing sasailalim sa tinatawag na astral projection at ibabahagi ang makatindig balahibong karanasan kung saan may mga espiritung animo’y nais siyang isama sa kanilang mundo.

Samantala, dapat bang mangamba kapag natutulog lalo pa’t 43 sa bawat 100,000 Pilipino ay namamatay daw sa bangungot? Totoo nga ba ang bangungot?

Harapin ang takot at lawakan ang kaisipan sa mas pinahabang paglalakbay sa mundo ng “Hiwaga” tuwing Biyernes, 4:15 PM sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

WE RECOMMEND