Nasaan na ang JCS ngayon?

Naaalala mo pa ba ang JCS Band?


Mag-throwback uli tayo, mga Kapamilya, at ngayon, focus naman tayo sa mga crush ng bayan noong 2000, ang JCS Band. Sila ang bandang nakilala sa ASAP bago pa dumating ang Kanto Boys, Boyfriendz, POPables and Gimme 5. Ang JCS Band ay binubuo nina John Prats, Carlo Aquino at Stefano Mori. Sila ang bandang tinaguriang The Hansons of The Philippines na hindi lang sa ASAP sumikat kundi sa Saturday afternoon youth-oriented show na G-mik na sila rin ang bidang magkakabarkada.
Nagkaroon sila ng album sa Star Records and Istilo Records na merong 15 tracks. Umabot ang album ng gold certification na may carrier single na “Nang Makilala Ka.” Kung hindi mo ito maalala or medyo in-denial ka pa na ka-batch mo sila, narito ang ilan pang songs na pinasikat nila: “Sabi Ni Nanay,” “Kung Ayaw Mo, Huwag Mo,” “Suwerte Nga Naman” at G-Mik OST.

More than 14 years na rin since nabuo ang JCS Band. Ang tanong, nasaan na nga ba ang mga miyembro ng JCS?


Si J na si John Prats ay mainstay pa rin sa ASAP bilang host. From playing the drums sa JCS Band ay linggo-linggo mo na siyang makikita na sumasayaw kasama sina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Iya Villana at ang G-Force ASAP Supahdance.  Palagi mo siyang makikita weekdays sa Banana Nite at sa Banana Split Extra Scoop tuwing Sabado. Nakilala rin siya sa pag-impersonate kay Kuya Kim Atienza bilang Kuya Keem. Ang mga naging kasintahan niya ay sina Heart Evangelista, Rachel Ann Go, Shaina Magdayao at Bianca Manalo.  Ang current girlfriend niya ay si Isabel Oli.
Si C na si Carlo Aquino, ang guitarist at singer ng JCS Band, ay nalinya sa drama. Lumabas siya sa mga pelikulang “Ang Tanging Ina” at “Bata, bata... Paano ka Ginawa?”Napanood din siya sa mga programang “Maalaala Mo Kaya: Pulang Laso” at “Annaliza.” Dahil sa galling niyang umarte ay nakatanggap siya ng mga awards mula sa Gawad Urian, PMPC Star Awards for TV, Star Awards for Movies, Golden Screen at FAMAS. Pero hindi pa rin nawala kay Carlo ang hilig sa pagkanta dahil mayroon pa rin siyang banda na “Kollide.” Pumasok na rin siya sa negosyo ng food truck at may-ari na siya ng “Big Bite Avenue” kasosyo ang kanyang girlfriend  niyang si Kristine Nieto.

Hindi mabubuo ang grupong JCS Band kung wala si S na si Stefano Mori. Nakilala ang love team nila ni Camile Prats sa G-Mik. Lumabas din siya bilang kapatid ni Claudine Barreto sa “Mula sa Puso.” Nagkaroon ng balita na naaksidente siya at may nangyaring masama pero ito ay pinabulaan noon ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook post noon. Ang tanging alam ng lahat ay nasa Italy siya at doon na siya naninirahan after niyang magpaalam sa showbiz. Ayon sa kanyang dating Star Magic handler, nabalitaan niya two years ago na restaurant-owner na si Stefano ng Casa Italia sa Puerto Galera.

Photo courtesy of @fearlazz IG

Kayo, na-miss ba ninyo ang JCS Band? May mga photos and memories ba kayo sa kanila? Share ninyo sa amin, mga Kapamilya at join kayo sa maki-throwback na sa amin. 

WE RECOMMEND