'My Little Juan' pilot wins national TV ratings

Humataw agad sa national TV ratings ang pagbubukas ng kwento ng Kapamilya Gold teleserye ng ABS-CBN na "My Little Juan" na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo. 

Ayon sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Mayo 20), nakakuha ang pilot episode ng "My Little Juan" ng 17.3% national TV ratings, o halos 10 puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Unforgettable" na nakakuha lamang ng 7.6%. 

Sa pagkamatay ni Amelia (Mylene Dizon) mula sa panganganak kay Juan (Izzy), paano nga ba palalakihin Fr. Cito (Jaime Fabregas) ang bata na nakatakdang maging susunod na Tagabantay at Anak ng Dilim? 

Patuloy na samahan si Juan at Fr. Cito sa kanilang exciting adventures sa “My Little Juan,” 2:45 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com, o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

WE RECOMMEND