Most memorable PBB Moments, ating balikan!
Magbubukas na ang bahay ni Kuya sa April 27 para sa Pinoy Big Brother All In, kung saan first time sa buong mundo na nagkaroon ng edition na pagsasamahin and teens at regular housemates sa iisang bubong.

Pero bago pa natin i-welcome ang mga bagong housemates, ngayong Flashback Friday, let’s look back sa mga ilang eksenang tumatak sa atin over the past 9 years of Pinoy Big Brother.


1. Nene, nagalit kay Kuya! (PBB Season 1, 2005)


Bago naging Big Winner si Nene Tamayo ng pinaka unang season ng PBB, inaway muna niya si Kuya, kasama ng tatllo pang housemates na sina Jayson Gainza, Cass Ponti at Uma Khouny. Sa challenge na “Gupit, Sunog at Tapon. Dito,” pumalag si Kumander Nene sa gustong gawin ni Kuya na pagsira nila sa kagamitan ng kapwa nila housemate. Naging boses ng Big Four si Nene laban kay Kuya at siya din naman ang unang humingi ng sorry at nakipagbati kay Big Brother.

2. Bea at Maricris, ginulantang ang bahay ni Kuya sa kanilang bangayan!  (PBB Season 2, 2007)


“Ang respect, di yan ini-impose, ini-earn yan!” ‘Yan ang linyang naalala ng mga tao sa Big Winner ng Season 2 na si Bea Saw nang magkaroon sila ng misunderstanding ng housemate from Italy na si Maricris Dizon. Iniinsist kasi ni Maricris na may hidden desire si Bea sa may crush sa kanyang si Nel Rapiz. Sumabog ang usually quiet na housemate when she held her ground at hindi nagpadala sa mga akusasyon ni Maricris.


3. Kim nakipag-duet kay Juris ng “Peng You” (PBB Teen Edition 1, 2006)


Bago pa naging Primetime Princess si Kim Chiu, siya ay nakilala bilang Chinese Cutie from Cebu sa pinaka-unang Teen Edition ng PBB. Aside sa pagiging mabait at marunong na makisama na housemate, isa sa mga most talented si Kim sa loob ng bahay ni Kuya. Mangiyak-ngiyak si Kim nang pagbigyan ni Kuya ang kanyang wish na makaduet ang noon na lead singer ng bandang MYMP na si Juris.  Kinanta nila ang Chinese song na Peng You (My Friend sa English) at nirecord pa ito ni Kim nang lumabas na siya ng bahay ni Kuya as the first Teen Big Winner.


4. Ligawang Melason, nagbunga ng Dengue (Pinoy Big Brother: Double Up, 2009)


Bago sila nagpakasal at bumuo ng pamilya ay nag-umpisa ang pag-iibigan nina Melai at Jason sa loob ng bahay ni Kuya. Nabuo ang Melason love team na minahal natin lahat ang kanilang good vibes na pag-iibigan mula sa kulitan, ligawan, at pag-amin sa isa’t isa. At may dry run pa ang pagiging parents nila at pagkakaroon nila ng anak nang ibigay sa kanila ni Kuya si Dengue, ang doll na may pinagsamang mukha ni Jason at Melai. Kinailangan nilang alagaan si Dengue na para nga bang tunay na tao bilang isa sa mga challenges ni Big Brother.  Tignan mo nga naman si Kuya parang may premonition na ng mga magaganap.


5. Ang makapigil hiningang pag-out ni Rustom kay Keanna (PBB Celebrity Edition 1, 2006)


Winner talaga ang reaction ng first Celebrity Big Winner na si Keanna Reeves sa pag-amin ni Rustom Padilla na siya ay isang gay. Maliban sa mariposa na lumipad at dumapo malapit sa dalawa, pinaghintay ni Keanna si Rustom sa kanyang sasabihin dahil siya ay ihing-ihi na. Walang nagawa si Rustom kungdi ang tumawa habang nagtago sa likod ng ilang halaman sa pool area si Keanna para umihi. Napagalitan pa tuloy si Keanna ni Kuya dahil dito. Sa pagkakataong ito, parehong nagpakatotoo sina Keanna at Rustom kung kaya’t sila ay ilan sa favorite housemates ng season na yun.

Sa PBB All In, may mga Beatriz, Keanna at Rustom, Kim, Melai at Jason, at Nene ba tayong makikilala sa loob ng bahay ni Kuya? Silang nagpakatotoo, matapang na hinarap ang mga hamon ni Kuya, at hindi sumuko sa bawat pagsubok sa buhay? Salubungin natin ang kanilang pagdating ngayong April 27 sa ABS-CBN!

WE RECOMMEND