Meme of Toni Gonzaga’s 'bed' scene in Starting Over Again

Nasa week 5 na ng Starting Over Again at patuloy pa ring  pinipilahan sa mga sinehan ang pelikulang ito na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga at Iza Calzado.

Hindi natin matatanggi na sobrang minahal natin ang sina Marco, Patty at lalo na si Ginny na sinubukang ayusin ang relasyon niya sa dating boyfriend pero sa huli ay napagtanto niyang may iba palang dahilan bakit sila pinagtagpo muli.

Marami ring mga eksena sa movie na ito ang hindi natin malilimutan. Nariyan ang confrontation ni Ginny kay Marco at kay Patty, ang Mama Mary scene, I love you Sir Marco at panunuyo ni Ginny at ang patok sa ating lahat ang pagwawala ni Ginny sa kama after malaman niyang may ibang karelasyon na si Marco.
At para sa “Feel Good Friday” edition namin ngayong araw na ito, we give you the meme of Ginny habang nagwawala sa kama.


Sinong hindi makaka-relate sa morning tantrums na karaniwang eksena paggising sa umaga? Tulad ng meme ni Ginny, pinagdadaanan natin ito lalo na’t puyat tayo kinagabihan at hirap gumising sa umaga. Wish mo sanang hindi snooze ang napindot mo o kaya sadyang sana silent ang phone mo para hindi nag-alarm.

At kung nakaka-relate ka nga sa meme namin for today, share mo sa amin, Kapamilya!

WE RECOMMEND