Marjorie Barretto admits she didn't want daughter Julia to make a comeback in showbiz
Sa isang pambihirang pagkakataon, nakausap sa isang ekslusibong panayam ang mag-inang Julia Barretto at Marjorie Barretto at dito ipinasilip nila sa mga manonood ng "Showbiz Inside Report" ang kinagisnang kabataan ni Julia, na isa sa mga bagong artistang inaabangan ngayon, at kung paano nga ba si Marjorie bilang isang ina.

Nakakatawang ikinwento ni Marjorie at Julia ang mga kapilyuhang ginawa ng dalaga nung bata pa siya. Madalas daw gawan ng jokes ni Julia noon ang nakakababatang kapatid na si Claudia.“I was young, I wasn’t aware of what I was doing, pinush ko ‘yung mouth niya, nalaglag naman ‘yung teeth.” Dagdag pa ni Julia meron din pagkakataon na pinaglaruan niya ang buhok ni Claudia. “She was watching TV, I was bored again, I got scissors, wala diniretso ko, kinut ko lang, wala lang, ‘yung bangs niya.”Sa insidenteng ito, sabi ni Marjorie ay grabeng bangayan ang nangyari.  “Sobrang deny,’I didn’t do it!’,‘No ikaw! Ikaw!’ Away sila nang away, tapos one time nag-aargue sila, sabi ni Julia bigla, ‘Sige, I’ll cut your hair again.’"

At kapag dinidispilina si Julia ng kanyang ina, pinapaharap niya ang anak sa pader. Noong una’y hindi makuha ni Julia kung bakit ganito ang klase ng parusa na ibinibigay sa kanya ni Marjorie. “Ganoon ako pinapagalitan, ’Julia, face the wall!’ Ako parang ‘ok’ what do I get with facing the wall? After that, that’s when she started talking to me, mas nako-correct ‘yung mistakes ko, parang I know better na.” Dagdag naman ni Marjorie, mabuti nang madisiplina ang mga bata sa murang edad. “Minsan kasi naiisip mo na hindi pa nila ma-grasp masyado kung anong gusto mong sabihin or i-impart na lesson sa kanila, pero na-realize ko kahit 5 or 4 years old, kapag nag-explain ka, naiintindihan na nila, so wala ng face the wall.”

Isa rin sa mga nais mangyari ni Marjorie hanggang sa lumaki sina Julia at ang kanyang mga kapatid ay ang magkaroon lamang ng isang kwarto. Aniya, “Hanggang sa mag-asawa sila, ang rule ko sa bahay, isang kwarto lang silang lahat. Ako kasi iniisip ko, kapag hiniwalay-hiwalay ko sila at magkatampuhan, hindi na ‘yan magbabati agad. They have no choice kung hindi magkwentuhan. Kami ni Gretchen, kahit ang dami naming magkakapatid, kami talaga ‘yung dikit na dikit kasi kami ang roommates eh, ‘yung kwentuhan hanggang madaling araw, ‘yung away na kailangang magbati. Saka alam mo comfort zone, single parent nga ako eh, when I am lonely, I will just go up to their room and they’re all there, saya pala.”

Inilalabas din ni Julia ang kanyang nararamdaman at emosyon sa isang diary at dahil sa diary na ito, isang malaking desisyon ang nangyari sa kanilang mag-iina at sa karera ni Marjorie sa pulitika. “Mayroon isang portion dito, hindi ko sinabing nakita ko, parang campaign time yata, noong tumatakbo ako last time, sabi niya, ‘Our saddest day, Mom is never home.’ Then noong election day, ‘Happiest day of our life. Mom will be with us already, no more campaigning.’ Yun ang naging decided na ako, na hindi na ako babalik ng pulitika. I felt na, ganoon na pala ka-unhappy ang mga anak ko, it’s time to be really just a mom,” ibinahagi ni Marjorie.

Matatandaang bata pa lang si Julia ay lumalabas na siya sa ilang mga teleserye sa ABS-CBN tulad na lang ng “Palos”, ‘Walang Kapalit” at “Kokey” ngunit nagdesisyon si Marjorie na kailangan niyang patigilin si Julia sa pag-aartista para mas paglaanan ng panahon ang kanyang pag-aaral, ngunit dahil nasa dugo at nandun talaga ang kagustuhan ng dalaga sa showbiz, “Matagal niya na talagang gustong bumalik. I was saying na ‘hindi muna! hindi muna’ bigla na lang tumulo ‘yung luha niya, ‘Mom, I am turning 16, it might be too late.’ Parang naisip ko, ‘Gosh, malaki na nga pala siya, parang wala na rin akong karapatan na i-stop ‘yun, that’s really her dream.”

WE RECOMMEND