'Juan Dela Cruz' universe gears up for 'Juan Fun Day' with fans this Sunday
Handang-handa na ang lumalaking mundo ng no.1 superhero drama series na "Juan dela Cruz" para sa isang engrandeng bonding experience kasama ang kanilang fans sa 'Juan Fun Day' na gaganapin sa Aliw Theater, 1:00pm, ngayong Linggo (Mayo 19).

Tampok sa grand fans day ang powerhouse cast ng “Juan dela Cruz” na sina Coco Martin, Erich Gonzales, Arron Villaflor, Shaina Magdayao, Neil Coleta, Albert Martinez, ZsaZsa Padilla, Eddie Garcia, Gina Pareño, Joel Torre, Lotlot de Leon, William Lorenzo, John Medina, Louise Abuel, Precious Lara Quigaman, Tonton Gutierrez, Diana Zubiri, Martin del Rosario, Marlann Floress, MC; ang mga bida ng spin-off series nitong “My Little Juan” na sina Izzy Canillo at Jaime Fabregas; at ang Concert King na si Martin Nievera.

Bilang espesyal na regalo sa kanilang masusugid na tagasubaybay, naghanda ang buong “Juan dela Cruz” family ng isang buong araw na punong puno ng nakaaaliw na activities tulad ng meet & greet with the stars, variety show, fun kiddie games, henna tattoo, photo booth, face painting, at marami pang iba.

Bukod sa surprises ng buong cast, tiyak na lalong mag-eenjoy naman ang ‘little Juans’ ngayong Linggo dahil maari na silang magkaroon ng Espada ng Katapangan at iba pang official “Juan dela Cruz” merchandise tulad ng shirts, bags, slippers, toys, at ng  ‘JDC’ bracelet na mabibili sa event.

Upang makasama sa ‘Juan Fun Day,’ kinakailangan ng fans na bumili ng “Juan dela Cruz” official soundtrack sa venue sa mismong araw ng event.

Abangan din ang mga susunod na ‘Juan Fun Day’ sa Metro Pacific Mall, Lucena sa Mayo 26 (Linggo); Market Market, Taguig sa Hunyo 2 (Linggo); Ayala Center, Cebu sa Hunyo 8 (Sabado); Abreeza Mall, Davao sa Hunyo 16 (Linggo); Marquee Mall, Pampanga sa Hunyo 22 (Sabado); Tacloban sa Hunyo 23 (Linggo); at sa Palawan sa Hunyo 29 (Sabado).

Huwag palampasin ang exciting adventures ng paboritong superhero ng mga Pilipino sa “My Little Juan,” araw-araw, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold; at sa “Juan dela Cruz,” gabi-gabi pagkatapos ng “Ina Kapatid Anak” sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates tungkol sa “Juan dela Cruz,” sundan ang @JUANDELACRUZ_TV sa Twitter o i-like ang official Facebook fanpage nito na http://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV.

WE RECOMMEND