'It's Showtime' names ultimate Kalokalike this Saturday

Labinsiyam na celebrity look-alikes ang magpapatalbugan sa “It’s Showtime” bukas (Hunyo 1) para sa huling showdown ng Kalokalikes kung saan papangalanan na ang nag-iisang Ultimate Kalokalike na magwawagi ng P300,000.

Mula sa 44 semi-finalists na nag-level up sa labanan sa loob ng dalawang linggo, maghaharap bukas ang Kalokalikes nina Adele, Angel Locsin, Christopher de Leon, Coco Martin, Dingdong Dantes, Jay Contreras, Jinkee Pacquiao, Jhong Hilario, Joey de Leon, John Estrada, Joross Gamboa, Julia Montes, Justin Bieber, Kim Chiu, Kobe Bryant, Manny Pacquiao, Robin Padilla, Vice Ganda, and Wally Bayola. Makakatanggap naman ang first runner-up ng P200,000 at ang second runner-up ng P100,000. 

Samantala, gagawaran din ang isang Kalokalike ng texters’ choice award na makakakuha ng pinakamaraming text votes mula sa mga manonood. Para bumoto, i-text lang ang BOTO (space) KALOKALIKE (space) NAME OF CONTESTANT at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, at Sun subscribers, o sa 231 para sa Smart at Talk ‘N Text subscribers. 

Sino kaya sa kanila ang magwawagi? Manood ng “It’s Showtime,” 11:45 AM bukas (Hunyo 1) sa ABS-CBN at ipahayag ang inyong mga opinyon at saloobin sa Twitter gamit ang hashtag na #UltimateKalokalike. Para sa updates ng programa, sundan ang @ItsShowtimena sa Twitter o i-like ang www.facebook.com/itsShowtimena

WE RECOMMEND