Is Bb. Pilipinas Universe Ariella Arida ready to bring home the Miss Universe crown?

Sasabak sa ibang klaseng ‘question and answer portion’ ang Bb. Pilipinas Universe 2013 na si Ariella Arida ngayong Sabado (Mayo 11) sa “The Bottomline With Boy Abunda” upang ibahagi ang kanyang paghahanda para sa nalalapit na Miss Universe 2013.

Ano nga ba ang ginawa niya para mabago ang pananaw ng kanyang mga magulang tungkol sa pagsali sa mga beauty contest? Paano nga ba binago ng Bb. Pilipinas ang kanyang buhay? Sa nalalapit na kompetisyon para sa titulong Miss Universe 2013, handa na nga ba si Ariella na gawin ang lahat upang maiuwi ang pinakaaasam na korona sa Pilipinas?

Makakasama rin ni Ariella sa “Bottomline” ngayong Sabado ang Bb. Pilipinas International na si Bea Rose Santiago, Bb. Pilipinas Tourism na si Joanna Cindy Miranda, Bb. Pilipinas Supranational na si Mutya Johanna Datul, at Bb. Pilipinas 1st runner up na si Pia Wurtzbach.

Huwag palampasin ang 2012 Golden Screen TV Awards Outstanding Celebrity Talk Program na “The Bottomline With Boy Abunda” ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng “Banana Split.” Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

WE RECOMMEND