ABS-CBN

Wala nang makapipigil sa patuloy na pamamayagpag sa primetime TV ng pinakapinag-uusapang de-kalibreng family drama series ng ABS-CBN na “Ina Kapatid Anak” na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador. Patunay dito ang latest data ng Kantar Media noong Lunes (Enero 7) kung kailan humataw ang serye bilang no.1 overall TV program sa buong bansa taglay ang 33% national TV ratings. Tinaob ng “Ina Kapatid Anak” ang dalawang programang katapat nito sa GMA na ‘Aso Ni San Roque’ na nakakuha lamang ng 17.5% at ‘Pahiram Ng Sandali’ na mayroon lang na 16.3% national TV ratings.

Dahil sa mainit na suporta ng TV viewers sa kapanapanabik na kwento ng pakikipaglaban para sa karapatan nina Celyn (Kim), Liam (Xian), Ethan (Enchong), at Margaux (Maja), isang ‘gabi ng katotohanan’ ang inihanda ng “Ina Kapatid Anak” na tiyak na hindi palalampasin ng buong sambayanan. Sa darating na Enero 14 (Lunes), magbubukas na ang ikalawang aklat ng serye na magtatampok sa mga pinaka-eksplosibong rebelasyon na babago sa takbo ng buhay ng lahat. Ano ang naging mitsa upang isiwalat ni Julio (Ariel Rivera) ang katotohanan tungkol sa tunay na pagkatao ni Celyn? Paano tatanggapin ni Beatrice (Janice de Belen) ang panlilinlang na ginawa sa kanya ng kanyang asawa, ina (Pilar Pilapil), at kapatid na si Teresa (Cherry Pie Picache)? Mapipilitan bang magpakumbaba si Margaux sa sandaling malaman niya na ang itinakwil na kaibigan na si Celyn ang tunay na anak ng mga kinikilala niyang magulang?

Ang “Ina Kapatid Anak” ay obra ng dalawa sa mga pinakamahuhusay na direktor sa bansa na sina Don Cuaresma at Jojo Saguin.

Samantala, abangan rin sa pagbubukas ng book 2 ng “Ina Kapatid Anak” ang pagpasok ng bagong karakter sa istorya—si Diego Medina, na gagampanan ng 8th Cinema One Originals Film Festival Awards Best Actor na si Alex Medina.

Huwag palampasin ang mas maiinit na banggaan at mas nagliliyab na komprontasyon sa nalalapit na pagbubukas ng ikalawang aklat ng bagong hari ng primetime, "Ina Kapatid Anak," gabi-gabi, 8:15pm, pagkatapos ng "Princess and I" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @InaKapatidAnak sa Twitter.

WE RECOMMEND