“Ikaw Lamang” at “Dyesebel” Stars, pinagkaguluhan ng fans

Dinagsa ng libo-libong fans at TV viewers ang ginanap na back-to-back fans’ day ng dalawang top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na “Ikaw Lamang” at “Dyesebel.”

Umapaw ang saya, kilig, at musika sa Market! Market! Activity Center noong Sabado at Linggo (Hulyo 5 at 6) sa mga sorpresang inihanda ng “Ikaw Lamang” stars na sina Coco Martin at Julia Montes, at ng “Dyesebel” love team nina Anne Curtis at Gerald Anderson.

Kasama nina Coco at Julia noong Sabado ang official soundtrack singers ng “Ikaw Lamang” na sina Juris at Marion Aunor, samantalang kasama naman nina Anne at Gerald noong Linggo ang mga kaibigan ni Dyesebel (Anne) na sina Pinky Pusit at Karlo Kabayo.

Ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” at pinakabagong TV adaptation ng Mars Ravelo classic na “Dyesebel” ay parehong obra na nilikha ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang mas painit nang painit na eksena sa “Dyesebel” at “Ikaw Lamang,” gabi-gabi, sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng “Dyesebel” at “Ikaw Lamang” bisitahin lamang ang official social media accounts ng Dreamscape sa Twitter.com/DreamscapePH at Instagram.com/dreamscapeph.

WE RECOMMEND