Iba’t ibang Mukha ni Anne Curtis sa Kapamilya Fantaseryes

After ng big announcement na si Anne Curtis ang magiging Dyesebel sa Kapamilya network ay bumuhos ang suporta sa kanya at sa kanyang latest project. Inamin ni Anne sa kanyang presscon na dream role niya ang maging Dyesbel at excited siyang gawin ito. Mas naging excited ang lahat noong unang mapanood si Anne na lumalangoy sa karagatan bilang sirena na may kakaibang pink na buntot. Karaniwang orange or gold ang kulay ng buntot ng mga naunang Dyesebel na napanood na natin.

Pero bago naging Dyesebel si Anne ay may ilang roles na rin siyang ginampanan sa mga fanta-serye ng ABS-CBN. Kaya mag-flashback  muna tayo at balikan natin ang mga nagging mukha ni Anne sa Primetime Bida.

After niyang maging kikay genie sa isang evening sitcom sa kabilang station ay naging Kampanerang Kuba siya sa ABS-CBN noong 2005. Nakilala natin siyang si Fatima De Vera o Imang na isang kampanera sa simbahang kumupkop sa kanya  noong bata pa siya. Pero dahil sa kabutihan ng kanyang puso  at pagmamahal niya sa mga madreng nag-alaga sa kanya ay pianagkalooban siya ng kandilang maglalabas ng kanyang kagandahan. Tuwing sisindihan niya ang kandila ay gaganda siya at magiging si Bernadette. Sa Kampanerang Kuba natin unang nakita si Anne na nagpakita ng kakayahan niya sa kumanta. Dito rin sa palabas na ito siya nagkaroon ng tatlong leading men na sina Patrick Garcia, Luis Manzano at Christian Bautista at lahat sila ay nabighani sa matigas , straight at mahabang buhok ni Imang.
Mula sa pagiging kuba ay naging si Beba bampira naman si Anne sa Komiks Presents: Mamayang-Hatinggabi noong 2006. Isang bampirang pinilit maging mortal para sa kanyang minamahal pero tulad ng isang mala-Romeo & Juliet na love story nariyan ang pamilya niya para humadlang. Para lang iligtas ang boyfriend niya ay kailangan niyang kalabanin ang pamilya niya. Pero dahil sa wagas na pag-ibig at sa luha ng mahal niya ay nawala ang sumpa kay Beba at  nawala ang pagiging bampira niya.
Hindi pa natatapos ang 2006 ay naging superhero naman si Anne para Komiks Presents: Alpha Omega Girl. Siya si Goddess Athena na binigyan ng task ng kanyang ama para gumawa ng mabuti sa lupa bilang isang superhero. Isang kikay na superhero ang ginampanan ni Anne na kasama niya si Zanjoe Marudo na isang reporter sa show na ito.

Pero ang pinakatumatak na role sa mga ginampanan ni Anne Curtis ay ang pagiging Dyosa niya na kung saan nagkaroon siya ng tatlong mukha bukod sa pagiging takda niya o chosen one. Naging Dyosa Cielo siya  naisang winged goddess, Dyosa Agua na isang mermaid at Dyosa Tierra na isang centaur. Dahil sa pagiging Dyosa niya sa kagandahan, kagaya ni Imang, nagkaroon din siya ng tatlong leading men dito na sina Sam Milby, Luis Manzano at Zanjoe Marudo.
At ang huli kahit maikli lamang ang kanyang role ay naging isa sa mukha ng Tagapagbantay si Anne sa 100 Days to Heaven sa episode na kung saan nag rarally sina Anna Manalastas sa last 6 days nito sa lupa.
Ito ang mga naging mukha ni Anne sa mga fantaserye ng ABS-CBN. Sa lahat na ginampanan ni Anne na roles, alin ang favorite mo? Share your comments, mga Kapamilya at abangan pa ang mga ilan pang throwback articles na siguradong tatatak sa ating lahat!

WE RECOMMEND