Exclusive Interview: Big revelations straight from the creators of ‘Ina Kapatid Anak’

As Ina Kapatid Anak continues to be a top-rating primetime teleserye, the creators of the show—head writer Danica Domingo together with writer David Duico—revealed what is to come in an exclusive interview with ABS-CBN.com.

ABS-CBN.com: Paano nabuo ang cast ng Ina Kapatid Anak? Binigay ba ng management or nagkaroon kayo ng chance to suggest who will portray the lead roles?

Danica: Ina Kapatid Anak started na wala siyang given na artista. They were looking for a sibling rivalry/stepsister na movie. So when we were conceptualizing it, sa first part, wala pa talagang cast. It’s a production concern, pero as far as I know, naghanap sila ng mga artistang kayang magtapat-tapat in terms of acting. Nung kinonsider si Maja (Salvador) at Kim (Chiu) for their roles, dahil mayroon kaming concept na kambal sila, tinignan din namin yung semblance ng hitsura nila—from their hair, height, sapatos—kinonsider namin siya.

ABS-CBN.com: Was it just coincidence that they happen to be friends in real life?
Danica: Oo. Naisip din namin nakakadagdag siya sa rapport. Kasi sa start ng story magkaibigan talaga sina Celyn at Margaux.

ABS-CBN.com:Are you going to sustain the “Night of Revelations” theme like “Gabi ng Pagpapakilala” and “Gabi Ng Pagbubunyag Ng Lihim”?
Danica: It’s actually a marketing strategy. Pero in terms of revelations in the story, yung gabi ng pagbubunyag is just the start of bigger revelations. Na-hype lang siya. Kasi dinesign namin siya na palaging may pasabog sa characters, sa alam ng characters. So yung sustainability, I hope ma-achieve namin.

ABS-CBN.com: Paano yung pressure nun sa inyo as writers na kailangan laging bongga yung mga eksenang aabangan ng viewers?
Danica: Yung revelations nakukuha siya sa tamang set up. Kasi yung audience natin matatalino sila. Ayaw nila ng revelations na ginulat lang, or add-on lang. Kaya very particular kami na tuwing may revelation, yung audience, tignan maigi lahat ng characters kasi baka may sinasabi sila na may ibig sabihin?

ABS-CBN.com:
Oo, lalo na ang audience natin bawat linya ng character talagang napapansin at tini-tweet pa.
Danica:
Detail-oriented kasi ang audience ng Ina Kapatid Anak.

ABS-CBN.com: Anong feeling an yung ginagawa niyo talagang every episode may nagtu-tweet ng favorite dialogue nila ng characters?
Danica: Nagkataon lang siguro, kasi ‘pag sinusulat  naman namin siya, hindi namin sinasadya na, ‘Ay ito quotable quote.’ Malaking tulong din kasi yung pag deliver ng characters. Feeling namin sa part ng creative, kahit gaano kaganda yung linya, kung ‘di siya nabibigyan ng justice, hindi rin magwowork. Kasi minsan may mga quotable quotes yung nanunood na di naman namin inassume na magiging quotable. Pero dahil sa magandang delivery ng cast/characters nagiging bongga siya.

ABS-CBN.com: A little backgrounder, ilang years ka ng head writer ng ABS-CBN?
Danica: This is my second head writing job, yung first is Kung Ako’y Iiwan Mo. Pero kami ni David (Divico, writer of Ina Kapatid Anak) way back Kambal Sa Uma, palagi kami napupunta sa projects na may sisterhood theme. From Kambal Sa Uma, we did Agua Bendita, after that we did the Mara Clara remake. Yung Kung Ako’y Iiwan Mo lang so far yung naiba sa usual na ginagawa namin. And of course there’s Momay and Gimik [among others].

ABS-CBN.com: Ang galing kasi naging training ground niyo yung Kambal Sa Uma and Mara Clara kaya nakuha niyo na yung formula ng sibling rivalry concepts.
Danica: Yun ang mas challenging. Since matagal na namin siya ginagawa, paano mo siya idi-differentiate from our previous projects. Kapag tinignan mo yung Mara Clara and Ina Kapatid Anak, iba yung kwento niya, pero same dynamics, same feel. Yung pinaka challenge sa amin as creators is kung paano mo siya ididifferentiate every time na kahit parehong tungkol sa sibling rivalry.

ABS-CBN.com:
Incidentally, may nakuha rin kaming feedback na medyo similar yung feel ng Ina Kapatid Anak sa Mara Clara in terms of yung secret about Margaux and Celyn’s birth.
Danica: To differentiate Mara Clara from Ina Kapatid Anak, mas mature kasi yung take ng characters. At saka yung pinanggagalingan ni Margaux at ni Clara magkaiba. Yung pinanggalingan ni Celyn at Mara magkaiba. Ang medyo similar lang yung dynamics kasi parehong babae, magkapatid na magkaaway. Tapos mga nanay (Beatrice and Theresa played by Janice de Belen and Cherry Pie Picache, respectively) na palaging may bangayan.

ABS-CBN.com: What is your process of writing the script? Do you write on a daily basis?
David: Usually kasi per week yung sinesend namin pero dapit nakalatag na kung anong mangyayari. Alam na namin kung saan papunta yung kwento. Ang finifigure out na lang namin ano ang mangyayari per week. Kaya sabi ni Danica, importante yung set-up eh kasi from the start alam na namin kung saan pupunta yung story.

ABS-CBN.com: Saan ka kumukuha ng inspiration in terms of pagsulat nung series of events leading to your end objective? Kasi yun ang mas mahirap ‘di ba?
David: Brainstorming kami ni Danica at saka tumutulong din yung mga director at saka creative manager namin si Sir Rondel (Lindayag) at Ms. Reg (Reggie Amigo). Lahat ng bumubuo ng show nagtutulungan. Every week pinaguusapan namin saan ba tayo pupunta next week at succeeding weeks.

Danica: Bago kasi magstart yung show meron kaming idea ng magiging latag. Latag, meaning ano yung takbo ng story, ano yung irereveal, how do we develop the characters. But on a daily basis—from the brainstorming of the script, ang process namin, we sit down with Sir Rondel, our creative manager. Magbibigay siya ng givens, mandates kung ano dapat isama sa script. From there magmi-meeting kaming dalawa ni David about sa plot points, kung ano pupuntuhan. Magtreatment si David, i-script niya. Yun na ang nakukuha ng mga artista.

ABS-CBN.com: Gaano katagal ang writing process? Mabilisan ba?
Danica: Depende sa need ng production. May weeks na kailangan dalawang script kasi minsan may paalam yung artista. Kunwari may Star Magic tour, may out of the country engagement. Pero on a kalma level, once a week dapat may script.

ABS-CBN.com: In a day kaya niyo magtapos ng script? Kasi ang hirap kapag shoot to air.
Danica: Ay hindi, it takes a lot of time, sinusulat namin siya in one week. Sa ngayon naka-advance kami ng two scripts. Pero depende pa yun ha kung paano siya ineere, sa editing, so minsan kapag makapal yung script, kapag maraming sequences. Kapag nagbigay kami ng isang buong script, it doesn’t mean isang linggo lang siya eere. Pwede siya one and a half, pwede siya umere ng two weeks.

ABS-CBN.com: How do you maintain the smooth flow/continuity of the sub-plots?
Danica: Sa creative process, bago gawin yung kahit na anong show, palagi dinedetermine yung core ng bawat character. Kasi kapag nadetermine namin yun, dun makikita yung consistency ng character. Like for example si Margaux, yung nangyayari ngayon na nagreretaliate siya mula nung nalaman niyang Marasigan din si Celyn, pag tinignan mo yung pinanggalingan niya, kahit masama ginagawa niya, naju-justify nung hirap na pinagdaanan niya before.

ABS-CBN.com: How about si Celyn?
Danica: Si Celyn kasi binigyan namin siya ng isang concrete na goal na mahirap i-achieve, given the circumstances of her identity. Kahit na sabihin mo na nakita na siya ng totoo niyang parents, dun pa lang magsisimula yung problema niya. In a way makikita mo yung struggles niya in achieving her dreams while being a Marasigan.

ABS-CBN.com: Will there be new additions to the cast?
Danica: Ang soap opera open siya palagi. Yung pagkakaroon ng bagong cast is inevitable. Siguro may papasok pa pero sa ngayon di ko pa masabi kasi wala pa kami dun. Nasa story pa lang kami ng dalawang bida.

ABS-CBN.com: Pinapatanong ng fans ng Ina Kapatid Anak kung si Diego (played by Alex Medina) daw ba ang nawawalang anak ni Theresa?
Danica: Again, basta pag pinanood niyo siya palagi niyong tignan lahat ng characters, kasi may sinasabi sila…Basta bantayan lang nila.

ABS-CBN.com: Do you have any peg for the characters/plot of the story?
Danica:
Nung nagstart kami, wala. Pero kasi si Celyn is a “formula” character. Mahirap tapos biglang yumaman. Usual na bidang babae. Ang tanong paano ang timpla niya? Paano siya naiiba sa lahat ng bidang nakita mo? Kaya ginawa namin si Celyn na bubbly, palaban kahit nahihirapan. Kasi kung hahanapan mo kami ng peg, tina-try namin i-achieve na kapag nanood ka, kahit ano estado mo sa buhay may affinity ka na mafi-feel sa lahat ng characters. Parang ang pinaka naiiba yung character ni Margaux kasi never kami naka encounter ng ganon na sheltered at sunod-sunuran. Feeling ko yung peg nun wala naman. Pinakita lang namin sa start ng kwento yung contrast nilang dalawa. Kasi eventually yun ang weapon namin kapag pinagsangga mo na sila.

ABS-CBN.com: How do you deal with the parallel scenes between Margaux and Celyn to Maja and Kim’s real-life struggles?
Danica:
Hmm… No comment! Chos! From the start kasi alam na ni Kim at Maja yung role nila, alam na nila kung saan papunta, alam nila na eventually mapupunta ito sa banggaan nilang dalawa. How do we deal with it? We just stick to the story kasi damned if you do, damned if you don’t. Ang mangyayari, ayaw namin dumating sa point na isipin ng audience na bumabangka kami sa issue, or nagho-hold kami dahil may issue. Kasi at the end of the day this is part of our jobs, this is part of their jobs. So nagstick lang kami sa story, eto yung puntahan…Pero in terms of dun sa real-life struggles ni Maja at Kim, wala na kaming ano dun.

ABS-CBN.com: Hindi naman connected? Ang dating kasi sa tao, lalo na yung palitan nila ng salita minsan, parang may connect sa nangyari sa kanila in real life. So may mga nagtatanong din kung kasama ba ito sa show?
Danica: Actually nung sumabog yung issue kay Maja, kinukunan na nila yung eksena ng sagutan. Ibig sabihin prior to the issue nakakasa na kami sa ganung banggaan. Hindi talaga siya kunektado in any way. For some reason, na-twilight zone kami at may semblance yung pinagdadaanan nila ngayon. Pero at the end of the day, yung rivalry ni Margaux and Celyn, hindi siya [nakaangkla] sa isang tao or because of a guy… Mas family-driven siya—yung right ng pagiging anak laban sa affection ng parents. Sidelight yung Ethan and Liam.

ABS-CBN.com: Dahil sanay na kayo sa Mara Clara (portrayed by Kathryn Bernardo and Julia Montes) na may mga sampalan, paano niyo inatake yung confrontations nina Margaux and Celyn?
Danica: Hinihingi talaga siya minsan ng story. Worse yung Mara Clara for the simple reason na bata sila, juvenile, so pwede sila magsampalan ng walang habas kasi mga bata. We’re treating Margaux and Celyn differently. Hindi sila pwedeng basta na lang magsampalan. Kailangan palagi may pinanggagalingan. O kaya may napuno. Hindi siya makasampal lang.

ABS-CBN.com: Nasa set din ba kayo during taping?
Danica: Hindi. Dumadalaw lang kami pag may big scenes. Debut, ganon.

ABS-CBN.com: Totoo ba yung may nangyaring kalmutan recently?
Danica: Feeling ko part yun ng eksena. Ewan ko, siguro as artista kailangan nila I motivate yung artista. Basta ano, it’s part of the story.

ABS-CBN.com: What can the viewers expect from Liam and Ethan? Usually kasi ang highlight ngayon ang magkapatid. Paano naman ang love angles?
Danica: Sila yung nagdadagdag talaga ng spice sa story. Siyempre noon mga bata pa sila. Hindi pa sila marunong magdesisyon as characters. Hindi pa sila marunong umamin ng nararamdaman nila. Like for example sina Ethan and Margaux. Pero dito sa after ng revelations and everything, Ethan and Liam will fight for their true love. Dun makikita mo kung paano nila ipaglalaban yung pagmamahal ni Ethan kay Margaux, pagmamahal ni Liam kay Celyn, at kung paano sila makakaapekto sa rivalry ng dalawang babae.

ABS-CBN.com:
As writers, sinadya niyo ba ipartner sa iba, like si Kim is associated with Xian Lim, para maiba naman?
Danica:
You have to understand na Xian and Lim came from My Binondo Girl. Naghahanap kami ng ibang journey nila. Ang nakita naming way yung kinikilig ka pero hindi sila. Kasi kapag pinartner namin agad sila, ninipis yung kwento. Hindi na siya masyado malalaro. Slowly but surely dun papunta. In terms of yung pursuit nila Liam and Ethan kina Margaux and Celyn, siyempre maglelevel kami.

ABS-CBN.com: Parang mas nagiging offbeat yung characterization ni Ethan. Natatakot ako for him dahil sa pagsama niya sa mga new friends niya na “talyer boys”. Bakit siya naging ganon?
Danica: Part din kasi ng character journey niya. Malaki yung effect nun sa magiging love story nila ni Margaux.

ABS-CBN.com: So malaki ang posibilidad na mahulog ulit ang loob ni Ethan kay Margaux?
Danica: Oo, part yun kung magkakatuluyan ba sila? Paano sila mahihirapan bago sila magkatuluyan.

ABS-CBN.com: Do you also take into consideration the legal concerns on surrogacy in scripting?
Danica: Bago kami nag scripting, mayroon kami researcher na kinausap. Nagresearch kami sa St. Luke’s, talagang naginterview kami ng doctor na expert on surrogacy. Yung ang tricky dito sa show. Hindi siya well-known na procedure or kung ginagawa siya hindi siya pinangangalandakan due to ethical and religious concerns. Sa legal, mayroon din kaming researcher for that. Kung sino ang may karapatan talaga. Ang discovery namin sa Ina Kapatid Anak, yung nagluwal pala ang may karapatan, na nagdagdag ng spark sa kwento.

ABS-CBN.com: Darating ba sa point na halimbawa si Theresa, gagawin niyang weapon yun against Beatrice?
Danica: Actually depende pa, kung may makuha ulit kami na research material sa legal na pwede namin gamitin. Very careful din kasi kami sa ganong aspect.

ABS-CBN.com:
Kasi yun ang sa legal. Pero ang take, may halong fiction na. Or do you try to make it as true as possible?
Danica: Oo, kasi kailangan magconvey ka ng tamang info sa audience. As much as possible ayaw namin mag-deal with the legalities of the story. Kapag ganon magiging technical, so nawawala yung emotions. Mas nagbabank kami sa relationship na nabuo nila together. Pero may right ang father kung ilalaban niya. Si Theresa ang may right kasi siya ang naglabas. Si Julia, sa tamang conception ng anak, may right ang father. Si Beatrice yung medyo delikado kasi hindi siya ang nanganak. Eh ang law sa Philippines, kung sino ang nagluwal siya talaga ang nanay, regardless of the DNA test results. Yun ang difference niya sa Mara Clara. Dito magtatalo talaga kung anong tama at mali.

ABS-CBN.com: Gaano katagal eere ang Ina Kapatid Anak?
Danica: Hindi namin alam. Pero yung sa Celiam, malayo naman na ang narating ng kwento nila. Ang tinatry namin i-achieve, alam kasi ng audience na ang magkakatuluyan si Kim at Xian. May ganon silang expectation. Nagkakatalo lang when. So let the characters go through the process of falling in love. Mas matagal i-develop ang love kaysa sa family. Kapag family, ikakasa mo lang ng ikakasa yun eh. Kahit naman sa totoong buhay ang pag-ibig it takes time. Lalo na sa situation nila.

ABS-CBN.com: Ano naman ang aabangan kina Beatrice and Theresa? Nakakaloka rin sila mag-away.
Danica: Siyempre, walang mag-gi-give up na nanay sa anak nila. Magkakatalo lang kapag na-reveal na anak si Margaux. So paano mag-rereact yung characters. Ang nakakaalam pa lang ay si Oscar (played by Jayson Gainza). Si Beatrice hindi rin niya alam. Nung tinanong niya, ‘Sino yung batang ibinigay mo sa akin?’ Hindi sumagot si Oscar. So hindi alam ni Beatrice kung sino si Margaux. Wala naman siyang notion na may posibilidad na kambal. Inassume niya na hindi niya anak si Margaux kasi si Celyn ang totoong anak.

ABS-CBN.com: So will that lessen Beatrice’s love towards Margaux?
Danica: Yun ang tricky dun kasi pinalaki niya si Margaux. Kaya yung pagmamahal nandudun. What more kung anak pala talaga siya. Kasi may tinatago rin na sikreto si Beatrice, kasi may connivance sila ni Oscar. Na hindi niya pwede ipagkalat kasi magagalit sa kanya si Julio.

ABS-CBN.com: How is the experience of writing the confrontation scenes between Margaux and Celyn?
Danica:
Siya pinakamahirap. Ewan ko si David ang nagsusulat eh.
David: Mahirap siya kasi kailangan klaro kung saan nanggagaling yung characters. Hindi mo dapat iniisip yung nangyayari outside the soap. Dapat tuwing nagaaway sila, malinaw kung bakit at kung ano ang pinanggagalingan ng bawat character.

ABS-CBN.com: Do you get feedback na parallel yung sampalan sa totoong buhay. Na ah ‘yang reaction ni Margaux reaction ni Kim sa totoong buhay… Kasi baliktad yung reaction nila di ba? Nalaro niyo ba yun?
David: 
Hindi naman. Kasi from the start ganon namin naconceptualize yung story. Siguro mas mahirap siya kasi iniingatan namin na hindi kami masabihan na sumasakay kami sa issue.
Danica: Or mag-fuel ng anger.
David: Lahat ng sampalan kailangan based sa story.
Danica: Hindi lang siya nilagay for gimik.

ABS-CBN.com: Gaano kabusisi ang paghahanda sa debut nina Celyn at Margaux?
Danica: Si David ang nagsulat nun.
David: Production ang nagdedecide kung gaano siya kalaki visually. Pero kung ano ang aabangan ng viewers yung sa Gabi ng Pagpapakilala, yung relationships ng characters, kasi may malaking mangyayari sa debut [more than sa relationship ng dalawa] na magche-change sa tingin nila sa isa’t isa.

ABS-CBN.com: Dito na ba malalaman na kambal talaga sila?
Danica: Hindi pa. Huwag silang bibitaw sa bawat eksena kasi may ipla-plant kami na isa dun na magcre-create ng questions tungkol sa pagkatao nila Margaux and Celyn. Kasi dun sasabog na si Margaux sa debut. Kasi parang nasampal na sa face niya na si Celyn ang totoong Marasigan.

ABS-CBN.com: Hindi ba kayo kinausap nina Kim at Maja, na kumusta naman itong mga pinagagawa niyo sa amin? Pinagaaway niyo ba kami ng sadya?
Danica:
Actually ang sinasabi naman nila sa production, trabaho siya. Kung ganon ang take nila [na parang pinag-aaway sila] nasa kanila na yun. Kasi alam nila from the start kung anong kwento. From the story con, alam nila na banggaan talaga ito. Palagi kayo ipi-pit against each other. Kasi kapag pinaghiwalay namin sila, wala talagang kwento. It’s their story eh.

ABS-CBN.com: Here’s some additional question from the fans of Ina Kapatid Anak. Gusto malaman ni @therese_15 kung may bago bang lalabas na character sa show na dapat abangan ng viewers?
Danica: Alam mo may lumabas kasing report na may bago raw lalabas na character na third party sa Celiam. Wala. Enough na silang apat. Hindi kami magpapasok ng character unless needed or makakatulong sa kwento. Hindi kami magpapasok just to shake the love plot. Makapal na kwento niya as it is.

ABS-CBN.com: Curious si @iamreisyl kung kailan magiging palaban ang character ni Kim kasi medyo hindi na realistic yung paapi na peg sa panahon ngayon?
Danica: Ayan. I-address namin yan. Palaban talaga si Celyn pero kasi maraming types ng character, merong palaban na anak, pero at the end of the day sino ba gusto magcreate ng conflict lalo na sa character niya. Minsan sa tunay na buhay, ‘di ka pwedeng laban ng laban. You choose your battles lalo na kung sa pakikipaglaban eh mas ikagugulo pa yun ng pamilya mo. Pero at the same time, may limitations yung character niya. May mga bagay siyang papalampasin, mayroon din yung haharapin niya. So in terms of pagiging api, namimili lang siya ng battles. Kasi ang pangit din naman kung laban siya ng laban.

ABS-CBN.com:
Si Margaux parang rebelde na siya ngayon. Yun ba ang gusto niyo mangyari sa character niya?
Danica: Again part yun ng character journey ni Margaux kasi mas marami siyang ginive up—freedom niya, love niya for Ethan—tinatry namin na kahit may gawin siyang hindi magugustuhan ng viewers, maiintindihan nila. Sa lahat naman ng ginawa namin, kahit yung sa Mara Clara, naging masama si Gary, at the end of the day ginawa niya dahil nagmahal siya. Hindi kami nageexpect na lahat ng characters matatanggap, pero we’re hoping na yung galaw ng bawat character naiintindihan.

ABS-CBN.com: Pinapatanong ni @ireleighyap kung magma-mature raw ba sina Celyn at Liam? Like at this point 18 years old sila. Eventually darating ba sa point na yuppies naman sila or in their early 20s?
Danica: May ganon naman. And the plot thickens… Siyempre hindi naman pwedeng stagnant sila at forever sa college life lang.

ABS-CBN.com: Ayon kay @jns_confessions, gaano katagal na eere ang Ina Kapatid Anak?
Danica: Let’s hope for the best. Depende sa alignment ng stars. In a way maganda kung tumagal yung soap pero kailangan din mag mag quality control. Hindi namin siya pahahabain for the sake of humaba lang. Hindi naman kami ang nagdedecide nun. Kaya careful din kami sa plot changes. Pero matagal pa ‘yan.

ABS-CBN.com: Sino nakaisip ng title?
Danica: Yung title na Ina Kapatid Anak galing kay Sir Deo (Endrinal). Naghanap siya ng three generations of women na story.

WE RECOMMEND