Coco and Izzy inspire school kids via 'Juan Fun School Day'

Sinimulan na kamakailan ng Teleserye Prince na si Coco Martin at Kapamilya child star na si Izzy Canillo ang kanilang bagong misyon para sa mga mag-aaral na Pilipino sa paglulunsad ng ‘Juan Fun School Day.’ Namahagi sina Coco at Izzy ng iba't ibang school supplies tulad ng mga notebook, papel, at bag sa mahigit 200 estudyante ng Ramon Camus Elementary School sa Malabon City.
 
“Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong kami sa mga estudyante,” pahayag ni Coco. “Sana makatulong sa pag-aaral nila ‘yung bags at school supplies na ibinigay namin. Ito naman talaga ang layunin ng 'Juan dela Cruz,' ang makapagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan.”
 
Ayon naman kay Izzy, masaya siya na magkaroon ng pagkakataon na makapagbigay inspirasyon sa mga batang tulad niya. Aniya, “Nakakatuwa po kasi nakakatulong po ako sa mga batang katulad ko. Tulad po ng itinuturo ni Fr. Cito (Jaimie Fabregas) sa ‘My Little Juan,’ dapat daw po tulungan natin ang mga taong nangangailangan.”
 
Kasama nina Coco at Izzy na nagpasaya at nagbigay inspirasyon sa mga bata sa Malabon ang “Juan dela Cruz” cast members na sina Albert Martinez, Arron Villaflor, at Neil Coleta kasama si Senator-elect Sonny Angara.
 
Abangan ang susunod na pagbisita nina Coco, Izzy, at ng “Juan dela Cruz Universe” para sa isa na namang ‘Juan Fun School Day’ at huwag palampasin ang exciting adventures ng paboritong superhero ng mga Pilipino mula hapon sa “My Little Juan,” pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold; hanggang gabi sa “Juan dela Cruz,” pagkatapos ng “TV Patrol” sa Primetime Bida ng ABS-CBN. 
 
Para sa karagdagang updates tungkol sa “Juan dela Cruz” Universe sundan ang @JUANDELACRUZ_TV at @MyLittleJuan_TV sa Twitter o i-like ang official Facebook fanpage nito na http://www.facebook.com/JuanDelaCruz.TV at https://www.facebook.com/MyLittleJuan.TV.

WE RECOMMEND