Charice and Billy Crawford clash in 'ASAP 18'

World-class talent showdown ang masasaksihan ng TV viewers ngayong Linggo (Hulyo 14) sa makatindig-balahibong performances ng international singing sensations na sina Charice at Billy Crawford.

Iaalay naman ng buong ASAP Kapamilya ang isang madamdaming pag-alala sa nag-iisang Hari ng Komedya na si Dolphy sa pangunguna nina ZsaZsa Padila at ng magkakapatid na Vandolph, Epy, at Zia Quizon.

Tuloy-tuloy ang selebrasyon sa “ASAP 18” sa pagbisita ng lead stars ng Skylight Films drama movie na“Tuhog” na sina Enchong Dee, Jake Cuenca, Empress, Leo Martinez, at Eugene Domingo; at sa bonggang birthday treat para sa Kapamilya host-actress na si Iya Villania. 

Tiyak na magwawagi naman sa puso ng lahat ang fierce and feisty Supahdance showcase ng nagbabalik-Kapamilya at “Muling Buksan Ang Puso” lead star na si Cherie Gil; at ang nakakikilig na surprises nina Miles Ocampo, Jerome Ponce, Jane Oineza, Jon Lucas, Alex Diaz, Kit Thompson, Julian Estrada, Liza Soberano, Ingrid dela Paz, at Khalil Ramos.

Samantala, tunghayan ang back-to-back-to-back mind-blowing concert experiences sa "ASAP 18" concert stage sa pagbabahagi ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ng isang nakaaantig na kwento sa 'With Love Gary V' segment; at sa nakamamanghang performance ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga sa 'T Zone.'

Humanda naman para sa hottest face-off ng dance floor royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa supah hot clash dance na 'MASH;' na susundan ng makapigil-hiningang dance number nina Kim Chiu, Nikki Gil, John Prats, Rayver Cruz, at KC Concepcion.

Abangan din ang natatanging musical spectacle na ihahatid nina Piolo Pascual, Erik Santos, Angeline Quinto, KZ Tandingan, ASAP Sessionistas, at Yeng Constantino kasama ang mga kilalang violonist na sina Coke Bolipata at Julian Duque.

Makilaro, makisaya, at maki-party kasama ang Kapamilya stars sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na“ASAP 18,” 12:00 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at pagkakataong maka-hang out live ang stars ng ASAP Chill-Out, bisitahin ang http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ anghttp://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18” sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPPlay.

WE RECOMMEND