Barretto feud 'Hot Issue' on 'Banana Split'

Habang mainit na pinag-uusapan ang kontrobersyal na awayang kinasasangkutan ng mga miyembro ng pamilya Barretto, mapangahas na gumawa ng sketch tungkol dito ang cast ng “Banana Split Extra Scoop.”  Ang mga Barretto ang naging topic sa "Hot Issue" segment ng show.

Sa naturang episode ay nagpalitan ng litanya sina Pooh, Melai Cantiveros, at Badjie Mortiz base sa press statements ng inang si Inday Barretto at kanyang anak na si Gia na nagtatanggol kay Claudine, at ang isa pang anak na si Joaquin na nagtatanggol naman kay Gretchen. Sina Pooh, Melai Cantiveros, at Badjie Mortiz ang gumanap na Joaquin, Gia, at Inday. Natapos ang spoof sa tangkang pagbabati nina Gretchen (ginampanan ni Sunshine Garcia) at Claudine (Saicy Aguila).

Patuloy namang panoorin “Banana Split Extra Scoop” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Toda Max.”

WE RECOMMEND