Judy Ann Santos makes royal comeback on 'ASAP 18'

Solid na solid na pagpagmamahal ang ipararamdam ng “ASAP 18” ngayong Linggo (Hunyo 2) para sa nagbabalik na ‘Queen of Pinoy Soap Opera’ at bida ng pinakabagong Primetime Bida teleseryeng “Huwag Ka Lang Mawawala” na si Judy Ann Santos.

Bukod sa pagbabalik ng ultimate teleserye queen, saksihan sa "ASAP 18" ang sunod-sunod na pinaka-powerful concert performances, dance showdowns, at celebrations kabilang ang engrandeng pasasalamat at pamamaalam ng lead stars ng "Ina Kapatid Anak" na sina Kim Chiu, Maja Salvador, Xian Lim, at Enchong Dee; ang 10th anniversary kick-off ng Prince of Pop at King of Teleserye Themesongs na si Erik Santos; at ang bonggang birthday celebration ng Kapamilya heartthrob na si Sam Milby.

Aapaw naman ng saya at kilig sa ASAP centerstage sa pagbabahagi ng ASAP Sessionistas ng love story ng engaged showbiz couple na sina Richard Poon at Maricar Reyes; at sa espesyal na production number na ihahatid ng Kapamilya child wonders na sina Izzy Canillo, Mutya Orquia, Julia Clarisse Base, at Larah Claire Sabroso.

Samantala, humanda para sa isang show-stopping Michael Jackson-inspired face off ng ASAP dance royalties na sina Maja at Shaina Magdayao para sa ‘supah hot clash dance’ na ‘MASH;’ na susundan ng makapigil-hiningang '70s Supahdance showcase nina KC Concepcion, Nikki Gil, Enrique Gil, Rayver Cruz, Empress, at Iya Villania kasama sina Regine Tolentino at Joshua Zamora.

Back-to-back-to-back world-class singing performances naman ang matutunghayan sa ASAP concert stage sa makatindig-balahibong vocal acts na inihanda nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, at Bamboo; sa must-watch ASAP Champions showdown nina Erik, Jed, Madela, Angeline Quinto, at Yeng Constantino; at sa astig na acoustic treat ng ASAP Covers na sina Sam, Aiza Seguerra, Zia Quizon, at Paolo Valenciano.

Makisaya, makisayaw, at maki-party sa 2012 PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 18,” 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang@ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18” sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #SolidASAP.

WE RECOMMEND