ABS-CBN, may special programming ngayong Semana Santa
Kabilang sa mga ipapalabas ay mga napapanahong dokumentaryong magpapalalim at hahamon ng pananampalataya ng mga Katolikong Pilipino; mga nakaaantig na pelikula ng Star Cinema; inspirational episodes ng "Maalaala Mo Kaya" (MMK); at three-hour marathon specials ng mga top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na "Dyesebel" at "Ikaw Lamang."

Sa Huwebes Santo, mapapanood ang "Experiencing Holy Land" (9:30AM); “Animazing Tales” (10:30AM); “Lenten Recollection: Healing Eucharist” (12NN); "Journey to God's Heart" part 1 (2PM), "Kalbaryo 2014" (3PM); “Celebration of the Lord's Supper: Healing Eucharist” (5PM); "Sine Natin Ito: My Only U" (6PM); "MMK: Kalendaryo" (7:30PM); "The Bible" marathon (9PM); at O-Shopping (12MN).

Gunitain ang Mahal na Araw kasama ang mga kapamilya sa Biyernes Santo at panoorin ang mga sumusunod: "Faithwalk: A Pilgrimage to Egypt, Jordan and Holy Land (9AM); "Animazing Tales" (10:30AM); "Seven Last Words" (12NN); "Journey to God's Heart" part 2 (3PM), Veneration of the Cross: Healing Eucharist (4PM); "Pope of the Century" (5PM); "Sine Natin Ito: Moment In Time" (6PM); "MMK: Flyers" (7:30PM); "The Bible" marathon (9PM); at O-Shopping (12MN).


Pagdating ng Sabado de Gloria, mga programang gigising sa puso ng Kapamilya viewers ang itatampok kabilang ang Animazing Tales (10:30AM); "Dyesebel: Marathon Special" (12NN); "Ikaw Lamang: Marathon Special" (3PM), "Sine Natin Ito: Sa 'Yo Lamang" (6PM); "MMK: Kwintas" (7:30PM); "The Bible" marathon (9PM); at O-Shopping (12MN).
 
Para sa iba pang impormasyon kaugnay ng Holy Week program schedule, mag-log on sa ABS-CBN.com.

WE RECOMMEND