'Wansapanatym' gives appreciation to mothers in 'Mommy Nappers'
Pagmamahal at pagbibigay-halaga sa mga ilaw ng tahanan ang aral na ibabahagi ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na “Wansapanataym” ngayong Sabado (Mayo 18) sa espesyal na episode na pinamagatang ‘Mommy Nappers.’

Gagampanan ng Kapamilya child star na si Lance Lucido sa episode ang karakter ni Tyrone, isang bata na mas pinaglalaanan ng panahon ang pagbabasa tungkol sa mga alien kaysa sa pagtulong sa kanyang ina na si Agnes (Yayo Aguila). Mapagtatanto nga ba ni Tyrone ang importansya ng hindi matatawarang pagmamamahal ng kanyang nanay kapag bigla itong dinakip ng mga kapitbahay nilang alien?

Makakasama nina Yayo at Lance sa ‘Mommy Nappers’ sina Kit Thompson, Ingrid dela Paz, Nanette Inventor, Gerald Pesigan, Bea Basa, at Casey de Silva. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Ferdinand Aguas at direksyon ni Erick Salud.

Huwag palampasin ang storybook ng batang Pinoy, “Wansapanataym” tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal."

Balikan din naman ang mga lumang episode ng "Wansa" na ‘Hair There Everywhere’ sa Huwebes (Mayo 16), at ‘Flores de Mayumi’ sa Biyernes (Mayo 17) sa “WansapanaSummer,” araw-araw, 10:15am.

Para sa karagdagang updates, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

WE RECOMMEND