“SOCO” Investigates death of womanizing police officer

Sisiyasatin ni Gus Abelgas ngayong Sabado (Hulyo 13) sa “SOCO” ang kaso ng isang pulis na pinapatay umano ng kanyang live-in partner dahil sa labis nitong pananakit.

Isang retiradong pulis si SPO2 Jose “Jun” Tobias Jr. na kilalang mahusay sa kanyang napiling propesyon, ngunit marami raw maipipintas sa personal nitong buhay. Bukod kasi sa pagiging lasenggo at babaero, marahas din daw ang nasabing pulis sa lahat ng mga nagiging karelasyon nito.

Isa nga sa mga babaeng ito ay hindi na natiis ang matinding pang-aabuso ni Jun kaya nauwi ang kanilang relasyon sa isang malagim na krimen.

Nasa labas ng kanilang bahay si Jun nang dalawang lalaking lulan ng isang motor ang tumapat sa kanya at binaril siya ng dalawang beses. Matapos iyon ay mabilis na humarurot ang motorsiklo.
Sa masusing imbestigasyon ng mga pulis, ang huling live-in partner ni Jun na si Lala Macawile ang nagpapatay sa naturang pulis. Umamin kaya sa pagkakasala si Lala?

Huwag palampasin ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado (Hulyo 13) pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco

WE RECOMMEND