PR- Saklolo checks on people saved from abuse

Kukumustahin nina Maan Macapagal at Dominic Almelor sa “Pinoy True Stories: Saklolo” ngayong Miyerkules (Hulyo 10) ang iba’t ibang taong nasagip mula sa kalupitan o paghihirap dala ng karamdaman ng kanilang mga mahal sa buhay.

Buntis noon si Marites sa kanyang pamilyadong karelasyon na si Alex nang magdesisyon siyang lumayo na. Ngunit ayaw siyang tantanan ni Alex at sinimulang bugbugin, plantsahin sa iba’t ibang bahagi ng katawan, at tangkaing sunugin. Naghihilom na ang mga sugat ni Marites, ngunit nailigtas ba ang anak niyang noo’y nasa kanyang sinapupunan?

Ibang klaseng pang-aabuso naman ang natakasan ni “Nathan” mula sa kanyang ama na madalas ay kinakagat daw ang kanyang ari at pinapatungan pa siya. Sa ngayon, bagamat sariwa pa rin sa nanay ng biktima ang mga pangyayari, pinipilit niyang maging matatag para sa anak.

Isang nanay na may tatlong anak na may sakit sa isip naman mula sa Leyte ang nasaklolohan sa tulong ng Lingkod Kapamilya. Nalamang may sakit na bipolar disorder ang isa sa kanila, habang schizophrenia naman ang sa dalawa pa. Ano na kaya ang kalagayan ng magkakapatid matapos ng dalawang buwang pagpapagamot?

Samantala, babalikan ni Karen Davila bukas (Hulyo 9) ang dalawang kaso o hidwaang naitampok sa “Engkwentro” na pawang nasolusyunan na: ang isang maperwisyong babuyan at lamangan sa pamamasada ng pedicab.

Tutukan ang “Engkwentro” bukas (Hulyo 9) at ang “Saklolo” ngayong Miyerkules (HUlyo 10), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold. Para sa updates, sundan ang @PinoyTruStories sa Twitter.

WE RECOMMEND