Paulo Avelino portays a mute man on 'MMK'
Pipi ang role ng award-winning actor na si Paulo Avelino sa "Maalaala Mo Kaya" episode na mapapanood ngayong Sabado (Hulyo 6). Ayon kay Paulo, espesyal para sa kanya ang panibagong "MMK" niya dahil first time niyang gaganap bilang isang pipi.

"Sobrang challenging po ng role ko bilang si Apaw. Born mute po kasi siya na pinagmamalupitan ng mga sarili niyang kamag-anak," pahayag ni Paulo kaugnay ng episode kung saan kasama niya ang "Walang Hanggan" co-actor na si Joem Bascon na gumaganap naman bilang ang best friend ni Apaw na si Dante.

"Ibang-iba ang kwento ni Apaw kumpara sa una kong 'MMK' na love story kung saan nakasama ko si KC Concepcion. Ito naman ay istorya kakaibang tapang at malalim na pagkakaibigan," dagdag ni Paulo. "Hindi lang po siya simpleng kwento ng may kapansanan. Sa pamamagitan po nina Apaw at Dante, mare-realize natin ang halaga ng pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan na sa kabila ng maraming pagsubok ay hindi ka iiwan."

Kasama nina Paulo at Joem sa upcoming "MMK" episode sina Jewel Mische, Alma Concepcion, Ismael Clavero, John Vincent Servilla, Glenda Garcia, Tom Olivar, Jamila Obispo, Jerome Ventinilla, at Brace Henry Aquiza. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Alex Martin, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Raz De La Torre.

Huwag palampasin ang isa na naming nakaaantig na kuwentong buhay sa “Maalaala Mo Kaya” (MMK) ngayong Sabado, 7:30PM, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

WE RECOMMEND