Nash shows his sensitive side in 'LUV U'

Pagkatapos ng ilang linggo na nakita si Nash Aguas bilang bully at bad boy ng “LUV U” na si Benj Jalbuena, malalagay na rin siya sa isang sitwasyon kung saan makikita ang kanyang tunay na pagkatao.

“Yung role ko kasi, misunderstood po siya na bully,” sabi ni Nash tungkol sa role niya bilang Benj. Dagdag pa niya, “Mabait naman talaga ako sa totoong buhay.”

Sa nakaraang episode ng “LUV U”, in-assign sina Benj at Lexie (Alexa) bilang mga assistant kay Principal Spencer (Smokey Manaloto) para sa presentation niya sa paaralan—ngunit dahil sa isang kalokohang naganap, napahiya si Principal Spencer. Dahil hindi matukoy kung sino ang may sala, nagdesisyon na lamang na pareho silang parusahan, at sa takbo ng kanilang iringan, makikita ang mga tunay na mahalaga sa buhay ni Benj.

Samantala, naisip na nila Shirley (Sharlene San Pedro) at Marj (Mika dela Cruz) na buwagin  ang Break3rs para humina ang kanilang barkada at hindi na maghari-harian sa campus. May plano sila laban kina Archie (Kobi Vidanes) at Drake (Jairus Aquino) habang wala sina Benj at Lexie.

Abangan ang mga magaganap sa darating na episode ng “LUV U” ngayong Linggo (Hulyo 7) pagkatapos ng “ASAP 18” sa ABS-CBN Channel 2.

WE RECOMMEND