'My Little Juan' stirs up positive reactions from viewers

Patok na patok sa buong sambayanan ang mga adventure at aral na itinuturo ng afternoon drama series ng ABS-CBN na “My Little Juan” na pinagbibidahan ng Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo.

Sa katunayan, usap-usapan lagi ng mga netizens sa social networking sites tulad ng Twitter ang mga leksyon na itinuturo ni Fr. Cito (Jaime Fabregas) sa pilyong bata na si Juan (Izzy). Bumuhos ng positibong tweets tulad ng--“@cocojoyful: Ganda talaga ng #MyLittleJuan. Daming aral na mapupulot, dapat talaga ipinapanuod ito sa mga bata;” “@babyabdon: Ang sarap panoorin ng ‘My Little Juan.’ Nakakatuwa ‘yung batang si Izzy. Ang galing umarte. Natural na natural. Sana pahabain pa ang kwento nito;” at “@jhonray_05: Ang ganda talaga ng #MyLittleJuan. Sana magtagal pa ito, Ang ganda kasi ng pagkakagawa ng kwento. More power to all cast of this series.”

Samantala, tiyak na lalong mahu-hook ang TV viewers at netizens sa mga susunod na mga tagpo sa “My Little Juan” ngayong ginagawa na ni Juan ang lahat upang makabalik kay Fr. Cito. Paano makakatakas si Juan sa mga taong naghahanap sa kanya? Matagumpay kaya siyang makauwi sa taong kinikilala niyang magulang? Ipagpapatuloy pa rin ba niya ang paghahanap sa tunay na ama? Tunghayan ang exciting adventures nina Juan at Fr. Cito sa “My Little Juan,” 2:45 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

WE RECOMMEND