'Muling Buksan Ang Puso' captures hearts of primetime TV viewers

Agad na nagmarka sa puso ng primetime TV viewers ang kasisimula pa lamang na drama series ng ABS-CBN na “Muling Buksan Ang Puso” na pinagbibidahan ng pinakabagong 'Primetime Idols' ng Kapamilya network--ang Teleserye Sweetheart na si Julia Montes, Versatile Actor na si Enchong Dee, at ang Next Ultimate Leading Man na si Enrique Gil.

Partikular na pinapurihan ng mga manonood ang mala-pelikulang paglalahad ng kwento, cinematography at musical scoring ng serye; gayundin ang markadong pagganap ng Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces sa dominanteng karakter ni Adelina Beltran na tuluyan nang nahadlangan ang pag-iibigan nina Carissa (Agot Isidro) at Nicholas (Jestoni Alarcon). Paano paiikutin ni Adelina ang takbo ng buhay ng kanyang anak? Anong kasinungalingan ang babalot sa pagkatao ng mga anak nina Carissa at Marietta (Cherie Gil)?

Patuloy na tutukan ang biggest drama offering ng 2013 at abangan ang paglabas ng mga karakter nina Julia, Enchong at Enrique sa “Muling Buksan Ang Puso,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Juan dela Cruz” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa mga eksklusibong impormasyon, pictures, at videos, mag-log on sa official social media accounts ng “Muling Buksan Ang Puso” sa www.facebook.com/MulingBuksanAngPuso.TV at www.twitter.com/MBAP_official.

WE RECOMMEND