Ella Cruz experiences her first love on 'MMK'

Isang nakakakilig na kwento ng unang pag-ibig ang pagbibidahan ng Kapamilya teen star na si Ella Cruz ngayong Sabado (Hunyo 1) sa “Maalaala Mo Kaya.”

Gagampanan ni Ella sa special “MMK” episode ang papel ni Dua, isang teenager na hindi pa nararanasang magmahal. Sa kabila ng pagiging mahigpit ng kanyang mga magulang, hindi pa rin napigilan ni Dua ang kanyang puso na mahulog para sa best friend ng kanyang ate na si Bruce (Diego Loyzaga). Dahil sa kanyang pagiging malapit dito, unti-unti namang napalayo si Dua sa kanyang matalik na kaibigan na si Jayson (Khalil Ramos), na mayroon ding lihim na pagtingin para sa kanya. Paano nga ba haharapin ni Dua ang tamis at pait ng kanyang unang pag-ibig? Kaya nga bang higitan ng isang lalaki o babae ang halaga ng isang matalik na kaibigan?

Bukod kina Ella, Khalil at Diego, tampok rin sa "MMK" episode sina Yayo Aguila, Dominic Ochoa, at Liza Soberano. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Akeem Jordan Del Rosario, panulat ni Joan Habana at direksyon ni Mae Czarina Cruz. Huwag palampasin ang “MMK” ngayong Sabado, pagkatapos ng “Wansapanataym,” sa ABS-CBN.

Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-“like” ang www.facebook.com/MMKOfficial.

WE RECOMMEND