Julia, Enrique and Enchong open their hearts on 'ASAP 18'

Tiyak na paghaharian muli ng “ASAP 18” ang iba't ibang patok na social networking sites ngayong Linggo (Hulyo 7) dahil sa siksik na de-kalibreng production numbers na pangungunahan ng certified romantic surprise mula sa pinakabagong 'Primetime Idols' ng ABS-CBN at lead stars ng upcoming primetime drama series na “Muling Buksan Ang Puso” na sina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee.

Bukod sa 'idol' performance nina Julia, Enrique at Enchong, tuloy-tuloy pa ang selebrasyon sa "ASAP 18" sa engrandeng paglulunsad ng first ever album ng "X Factor Philippines" grand winner na si KZ Tandingan; at sa espesyal na sorpresa nina Yeng Constantino, Aiza Seguerra, Angeline Quinto, Juris, at Jovit Baldivino para sa bonggang TV launch ng FM radio station ng ABS-CBN na "M.O.R. 101.9 For Life Manila" na magsisimula nang umere ngayong Lunes (Hulyo 8).

Ipagmalaki ang natatanging talento ng mga Pinoy sa must-see production number ng "Pilipinas Got Talent" grand winners na sina Jovit, Roel Manlangit, at Marcelito Pomoy; at sa trending performances ng internet sensations na sina Abra at Jireh Lim.

Saksihan din ang latest fashion trends sa bansa sa pagrampa ng "ASAP 18" style authorities na sina Jericho Rosales, Kim Chiu, Gerald Anderson, Maja Salvador, Rayver Cruz, Nikki Gil, at KC Concepcion.

WE RECOMMEND