Julia Baretto confronts her wicked aunt in 'Wansapanataym'
Nakuha agad nina Julia Barretto, Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat ang kiliti ng TV viewers dahil winner agad sa national TV ratings ang kalulunsad lamang nilang “Wansapanataym” special. Patunay dito ang datos ng Kantar Media noong Sabado (Hunyo 29) kung kailan nakakuha ang first episode ng “WansapanataymPresents Petrang Paminta” ng 31.6% national TV ratings o halos 14 puntos na kalamangan kumpara sa 17.5% ng katapat nitong programa sa GMA na “Vampire Ang Daddy Ko.”

Sa pagpapatuloy ng TV remake ng nobela ni Pablo Gomez sa darating na Sabado (Hulyo 6), lalong maghihirap ang kalagayan ng magkapatid na Petra (Julia) at Aya (Xyriel) matapos angkinin ng kanilang tiyahin ang taniman nila ng paminta at ang lahat ng kayamanan na iniwan ng kanilang ama. Dahil sa pangako niya sa kaniyang tatay na susundin niya ang kaniyang tiya, hindi magawa ni Petra na ipaglaban ang karapatan nilang magkapatid. Paano nga ba matutulungan ng 'prinsipe ng mga paminta' na si Pampam (Zaijian) sina Petra at Aya laban sa kalupitan ng kanilang sariling kamag-anak?

Makakasama pa rin nina Julia, Zaijian, at Xyriel sa “Wansapanataym Presents Petrang Paminta” sina Diego Loyzaga, Ruby Rubi, Kiray Celis, Atak Aranas, Maricar de Mesa, Epi Quizon, Jayson Gainza, Tess Antonio, Joey Paras, Jeff Luna, at Alora Sasam. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Noreen Capili, Joel Mercado, at Yam Tanangco, at sa direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng four-week special ng storybook ng batang Pinoy, “Wansapanataym,” 6:45PM, pagkatapos ng “Kapamilya: Deal or No Deal” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

WE RECOMMEND