Jodi and Richard feel blessed because of 'Be Careful With My Heart'

"Nangingibabaw 'yung saya sa aming lahat kasi sa panahon ngayon bibihira na rin 'yung mga show na nagtatagal nang ganito kahaba at masaya talaga na isa kami sa mga ‘yun na nabibiyayaan,” pahayag ni Jodi kaugnay ng kanilang serye na nagsimulang umere noong Hulyo 9, 2012.

Dagdag ni Richard, na mas kilala na ngayon ng buong bayan bilang si ‘Ser Chief’ ni Maya (Jodi), utang nila sa mga manonood ang kakaibang ligaya na nararamdaman nila ngayon. "People still love the show, kaya talagang malaki ang pasasalamat namin sa kanila. It's a real blessing for us. At natutuwa akong malaman na sabi ng ibang tao, our show is also a blessing to them,” aniya.

Bukod sa first anniversary ng “Be Careful With My Heart,” nakibahagi rin ang TV viewers sa selebrasyon ng first monthsary nina Maya at Ser Chief.

Tuloy-tuloy na nga kaya ang saya ng mag-sweetheart? O may biglang susulpot pang aberya na puputol sa kanilang happy relationship?

Patuloy na makitawa, makiiyak, at kiligin sa favorite noontime habit ng mga Pinoy, “Be Careful With My Heart,” Lunes hanggang Biyernes, 11:45am, pagkatapos ng “Minute To Win It” sa Primetanghali ng ABS-CBN. Huwag rin palampasin ang “Be Careful With My Heart Sabado Rewind” tuwing Sabado, 10:30 am, bago ang "It's Showtime." Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-’like’ ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial

WE RECOMMEND