Izzy Canillo is 'My Little Juan'
Mula sa lumalaking mundo ng no.1 super-hero drama series na “Juan dela Cruz,” muling magbabalik ang Kapamilya child wonder na si Izzy Canillo bilang ang pilyong batang si Juan sa pinakabagong Kapamilya Gold teleserye na “My Little Juan.”

Unang nagpabilib sa reality talent search na “Star Circle Kid Quest Season 3,” at mga programang tulad ng “Ikaw Ay Pag-ibig” at “Goin' Bulilit,” higit na tumatak sa puso ng mga manonood si Izzy nang kanyang gampanan ang makulit at bibong karakter ng batang Coco Martin sa “Juan dela Cruz.”

At sa pagbubukas ng “My Little Juan,” muling bibigyang-buhay ni Izzy ang papel ng kakaibang batang si Juan na siyang bunga ng pagmamahalan ng Tagabantay na si Amelia (Mylene Dizon) at ng Haring Aswang na si Samuel (Albert Martinez).

Tunghayan sa “My Little Juan” ang kwento ng buong pagkatao at pinagmulan ni Juan at ang kanyang exciting na adventures kasama si Fr. Cito (Jaime Fabregas) bago siya maging isang ganap na superhero. Ang “My Little Juan” ay sa ilalim ng direksyon ni Darnel Villaflor.

Huwag palampasin ang kapanapanabik na pagsisimula ng “My Little Juan,” ngayong Lunes, 2:45 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime” sa Kapamilya Gold. Para sa karagdagang impormasyon mag-log on lang sa www.abs-cbn.com, o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

WE RECOMMEND