Huwag Ka Lang Mawawala airs in its new time slot beginning Monday

Proud na proud ang Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos sa women empowerment advocacy ng kanyang top-rating primetime drama series sa ABS-CBN na “Huwag Ka Lang Mawawala.” 

“Hindi kasi siya basta teleserye na magpapaiyak ng viewers. Meron siyang mensahe na gustong imulat ang mga tao, lalo na ang mga babae, sa katotohan na sa panahon ngayon, kailangan handa silang protektahan ang mga sarili nila,” pahayag ni Juday na gumaganap sa serye bilang si Anessa, ang babaeng pilit babangon matapos dumanas ng karahasan at pang-aabuso sa kamay ng asawa niyang si Eros (Sam Milby).

“Nakakalungkot lang kasing isipin na mas marami ngayong mga babae ang involved sa mga sitwasyon na dehado sila,” ani Juday. “Kaya ang lakas ng dating ng soap na ito sa akin kasi sa pamamagitan ni Anessa, mare-realize ng mga babae na dapat marunong tayong lumaban. The show inspires women na hindi sa lahat ng pagkakataon ay lalake ang dapat sinusunod lalo kapag maling-mali na talaga ‘yung nangyayari.”

Samantala, simula ngayong Lunes (Hulyo 8) may bago nang timeslot ang “Huwag Ka Lang Mawawala.” Eere na ito tuwing 9:15pm, pagkatapos ng pinakabagong primetime drama series ng ABS-CBN na “Muling Buksan Ang Puso.”

Patuloy na subaybayan ang mas kapanapanabik na eksena sa fast-paced na kuwento ng top-rating ABS-CBN primetime series na "Huwag Ka Lang Mawawala," gabi-gabi, pagkatapos ng "Muling Buksan Ang Puso" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sawww.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.

Visit Huwag Ka Lang Mawawala page.


WE RECOMMEND