Gretchen Barretto returns to primetime TV via “Huwag Ka Lang Mawawala”

Obvious na masaya ang award-winning actress na si Gretchen Barretto sa nalalapit niyang paglabas sa top-rating primetime teleserye ng ABS-CBN na “Huwag Ka Lang Mawawala” na pinagbibidahan ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos. 
 
Sa kanyang official Instagram account, nag-post kamakailan si La Greta ng iba’t ibang litrato niya habang nasa taping kasama mismo si Juday. “I love joining this team and I’m loving every minute of it,” aniya sa isa sa behind-the-scene photos na ibinahagi niya sa fans. Sa kuwento ng “Huwag Ka Lang Mawawala” ay gagampanan ni Gretchen ang karakter ni Attorney Eva Custodio.
 
Tuklasin ang magiging kaugnayan ni Atty. Custodio sa buhay ni Anessa (Judy Ann) sa mas palaban na kuwento ng "Huwag Ka Lang Mawawala," gabi-gabi sa bago nitong oras sa ganap na 9:15pm, pagkatapos ng "Muling Buksan Ang Puso" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa iba pang updates kaugnay ng programa, mag-log on lang sa www.facebook.com/HKLM.TV at sundan ang @HKLM_TV sa Twitter.

Visit Huwag Ka Lang Mawawala page

WE RECOMMEND