Ted Failon examines unemployment problem in P-Noy's term

Napanindigan ba ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang di-malilimutang mga pangakong “Kayo ang boss ko” at “Kung walang corrupt, walang mahirap” na ipinahayag noong inauguration niya noong 2010? Iyan ang kikilatisin ni Ted Failon sa “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Hunyo 29).


Hihimayin ni Ted ang mataas pa ring bilang ng mga walang trabaho sa bansa, sa kabila ng pangako ni P-Noy na paiigtingin ang pagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Batay sa datos ng National Statistical Coordination Board, 28 sa bawat 100 Pilipino ngayon ang nasasadlak sa kahirapan dahil sa kawalan ng kabuhayan. Anu-ano ang puwedeng gawin ng ordinaryong mamamayan para matustusan ang pangngailangan ng kani-kanilang pamilya?

Sa kabila ng problema sa unemployment, talamak naman ang pagsulpot ng mga pasugalan. Kapansin-pansin ang sunud-sunod na pagpapatayo ng mga casino resort at patok din ngayon ang tinatawag na e-games o mga online casino gamit ang internet. Bukod sa  mga ito ay mas dumami pa ang lotto terminals at outlets sa kasalukuyang administrasyon kumpara sa dati.

Sa mga isyung ito, lahat tayo may pakialam. Kaya panoorin ang “Failon Ngayon” ngayong Sabado (Hunyo 29), 4:45 PM, pagkatapos ng SOCO sa ABS-CBN. May replay din ito sa ANC tuwing Linggo, 2 PM. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sa http://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sa http://www.twitter.com/Failon_Ngayon. I-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtag na #FN.

WE RECOMMEND