Jealousy begins to rise in Ejay Falcon's heart in 'Dugong Buhay'

Patindi na nang patindi ang galit ni Victor (Ejay Falcon) laban sa mga De Lara lalo na ngayong exclusively dating na sina Rafael (Arjo Atayde) at Sandy (Yam Concepcion) sa Kapamilya Gold teleseryeng “Dugong Buhay.”

Sa kabila ng kanyang matinding pagseselos, pilit na itinatago ni Victor ang kanyang tunay na nararamdaman at itinutuon na lamang ang kanyang atensyon sa planong paghihiganti nila ng kanyang ama na si Simon (Nonie Buencamino).

Hanggang kailan nga ba kayang itago ni Victor ang katotohanan sa babaeng kanyang iniibig? Paano nga ba magbabago ang pagtingin sa kanya ni Sandy kapag nalaman niito na hindi sila tunay na pinsan? Samantala, sa unti-unting pagbubunyag ng mga kasamaan ni Enrique (Christian Vasquez), paano nga matatanggap ni Isabel (Sunshine Cruz) na isang mamamatay tao ang kanyang asawa?

Patuloy na tutukan ang pag-init ng mga tagpo sa “Dugong Buhay” tuwing hapon pagkatapos ng “My Little Juan” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

WE RECOMMEND