Coco Martin and The Pacquiaos pay a visit to beverly gils on Toda Max
Magpapa-house blessing na sa bagong bahay ni Tay Mac (Al Tantay), at maraming sikat ang naimbita para dumagdag sa saya ng selebrasyon. Sa darating na episode ng “Toda Max”, iimbitahin ni Justin (Vhong Navarro) sina Coco Martin, Manny at Jinkee Pacquiao.

Ngayon na nagkalat ang mga Kalokalike sa Beverly Gils, totoo bang sina Coco, Manny at Jinkee ang mga ito? Kailangang malaman ng mga taga-Beverly Gils kung paano mapaghihiwalay ang totoo sa hindi—mas lalo na’t dumating na rin ang tunay na Andrew E. sa Beverly Gils.

Mababaliktad ba ang pag-aakala ni Tay Mac? Mapagkamalan kayang Kalokalike rin ang mga tunay na artista?

Abangan ang mangyayari sa darating na Sabado (Hulyo 6) sa “Toda Max” na mapapanood sa ABS-CBN Channel 2 pagkatapos ng “Maalaala Mo Kaya”.

WE RECOMMEND